ROMMEL PLACENTE: Nakakatuwang malaman na active na muli ang movie career ni Claudine Barretto. May ginawa siyang movie under Borracho Films ni Atty.Ferdinand Topacio na Mamasapano.Pero special participation lang siya rito.

Itinuturing siyang BFF (best friend forever) ni Atty.Topacio, kaya bibigyan ng solo comeback movie si Claudine. Ang magdidirek ay si Joel Lamangan. Isa itong drama movie na isusulat ni Eric Reyes. lto ang first time nina Clau at Direk Joel na magsasama sa pelikula.

Sa serye ay nagkatrabaho na sila.Nung isang araw ginanap ang contract signing ni Claudine sa Borracho Films .Kasama niyang pumirma ang bago niyang manager na si Arnold Vegafria.

Excited na si Claudine to work with Direk Joel. Sabi nga niya, pwede na siyang mag-retire kapag naidirek na ng award-winning director sa pelikula.

Reaksyon naman ni Direk Joel ,”Hindi siya pwedeng mag-retire Hindi pwede! Dahil kapag ang artista kaya pang umarte,maari pa siysng umarte. Nasa puso niya ‘yun (pag-aartista). Hahanap-hanapin pa rin “yun ng kanyang katawan”

Nagbigay ng halimbawa si Direk Joel ng mga artista na kahit matanda na ay patuloy pa ring umaarte. Tulad nina Gloria Romero , Charito Solis ( na kundi pa namatay ay patuloy pa ring nag-aartista).

“Nakasama ko si Claudine sa isang teleserye,mahaba “yung teleserye. Nakita ko,magaling siya. Kailangan lang ay bigyan siya ng mahusay na proyekto para maipakita ang husay niya.Magaling si Claudine I can attest for that,” lahad pa niya.

RODEL FERNANDO: Magandang kaganapan ang muling pagiging aktibo ni Claudine Barretto sa kanyang showbiz career. Sana nga ay magtuluy-tuloy na ito at hindi na siya magluka- lukahan na tulad ng mga tsismis in the past. Magandang proyekto ang nakatakda niyang gawin lalo pa’t isang Direk Joel Lamangan ang magdidirek sa pagbabalik niya sa pelikula.

Pero sa totoo lang ay mukhang nagpapakontrobersiyal siya. Base sa mga interbyu sa kanya ay ayaw niya raw makasama sa project sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria. Naintindihan namin kung ayaw niya sa dating asawa pero huwag na niyang idamay si Jodi. Wala namang ginagawang masama sa kanya si Ms. Sta. Maria.

Isa pa, sinasabi niya na hindi pa raw siya ready sa pakikipagbati sa kapatid na si Marjorie. Sa true lang, dapat na sigurong magmove- on ang magaling na aktres sa usaping ito. Huwag na sanang dumating ang oras na makipagbangayan na naman sa kapatid. Siguro kapag tinatanong siya sa kanyang kapatid ay manahimik na lang. Kung gusto niyang makabalik at maging importante uli sa showbiz ay positive vibes ang ipakita niya . Iwas muna sa kanegahan.

Anyway, goodluck na lang sa kanya. Naniniwala ako na magtatagumpay naman siya sa muling pagbuhay sa kanyang career. Kilala naman din kasing mahusay mag-handle ng talent ang manager niyang si ALV.

Gretchen ‘di bet bumalik sa showbiz

MILDRED BACUD:Kinuwento ni Claudine kung gaano ka-excited ang kapatid na si Gretchen Barretto sa pagbabalik niya sa showbiz. Nagbiro pa nga itong hihintayin niya ang bus ng ate sa kanyang taping. Pero nang tanungin kung kailan naman babalik sa showbiz si Gretchen sagot ng aktres, ” Parang for now impossible na siyang mangyari. She is a businesswoman now. Like pumunta talaga siya sa work from 1pm to 8pm. Nag-office na talaga siya. Hindi yan alam ng ibang tao na nakatutok siya sa business nila. ”

As for Claudine’s manager na si Arnold may mga naka-line up na nga raw projects sa kanya and he already talk to the TV networks for teleserye.Nakausap na rin daw niya si Malou Santos ng Star Cinema para naman sa comeback movie nito.

Well, sana nga matuloy ang mga projects ni Claudine. Matagal na rin naman siyang hindi napapanood sa telebisyon. Mabuti na lamang at kahit paano ay sinusuportahan ng producer na si Atty.Topacio ang kanyang pagbabalik.

Gerald magpapakita ng puwet
ROLDAN CASTRO: Nangangamoy award amg comeback movie ni Claudine. Kinukuwento pa lang ni Atty. Ferdie Topacio ang takbo ng istorya, siguradong todo acting ang mangyayari. Bagay kay Claudine ang pelikula.

Kasama rin sa movie si Gerald Santos na magiging love interest niya nu’ng bata pa siya. Napansin din ni Claudine na may hawig ito sa yumaong boyfriend niya na si Rico Yan.

Sinabi rin ni Atty. Topacio na may love scene sina Gerald at Claudine. Hindi lang kami sure kung nagbibiro si Atty lalo’t sinabi niya na kailangang magpakita ng puwet si Gerald. Ha!ha!ha!

Anyway, excited na si Claudine sa gagawin niyang pelikula sa Borracho Film Productions.

The post Jodi, Raymart ayaw makasama ni Claudine first appeared on Abante Tonite.