Nilagdaan ng mga lider ng iba’t ibang grupong politikal sa Kamara ang isang manifesto na nagpahayag ng kanilang solidong pagsuporta sa isinusulong na Charter change (Cha-Cha) na nakatutok sa mga economic provision ng Konstitusyon

Sa kanilang pahayag, binigyang-diin ng mga kongresista na ngayon ang panahon para ituloy ang pag-uusap hinggil sa pag-amyenda sa Saligang Batas, partikular ang mga economic provision nito para na rin matugunan ang matinding epekto na dulot ng COVID-19 pandemya.

Tiniyak din ng mga mambabatas na tanging economic provision lamang ng Konstitusyon na nakasaad sa resolusyon ng Kamara ang pag-uusapan sa House committee on constitutional amendments.

Nananatili rin umano ang kanilang posisyon na kapag inamyendahan ang Konstitusyon ay hiwalay na boboto ang Kamara at Senado, at isusumite ito para sa ratipikasyon ng taumbayan pagsapit ng eleksyon sa Mayo 2022. (Dindo Matining/Eralyn Prado)

The post Kamara solido, itutulak Cha-Cha first appeared on Abante Tonite.