Kathryn sabik na sa lakwatsa

ROMMEL PLACENTE: Noong wala pang COVID -19 pandemic, kapag may free time at hindi gaanong busy sa kani-kanilang showbiz commitments, ay nagta-travel abroad at nagbabakasyon sa iba’t-ibang lugar ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ngayon ay hindi na nila nagagawa ‘yun dahil nga sa pandemya. Sa pamamagitan ng kanyang IG account ay napa-throwback na lang si Kathryn. Ibinahagi niya rito ang mga video ng mga previous trips nila ni Daniel sa iba’t-ibang parte ng mundo kasama ang kanilang mga pamilya.

Sa kanyang caption , “Sharing with you some never-before-posted travel videos from my phone. Wishing we could all travel freely again soon!There’s an unexplainable kind of joy every time we get to explore different cities, taste different cuisines, meet new people, and try new things—it’s definitely the best gift you could give yourself.“I miss exploring the world with you, @supremo_dp!”

Ayon pa sa dalaga, kung magiging normal na uli ang sitwassyon at pwede na uli magbiyahe abroad,ang una niyang pupuntahan ay ang favorite country nila ni Daniel na Japan.

“Yun ‘yung country na kaya kong balik-balikan kasi sobrang miss ko. Kaya ‘pag na-lift na and puwede na mag-travel, Japan talaga agad ‘yung ibu-book ko,” aniya.

O, di ba, gusto na talagang maglakwatsa sa ibang bansa ni Kathryn? Iba pa rin kasi yung feelings ‘pag nasa abroad na nagbabakasyon at kasama ang boyfriend.Mas magkakaroon sila ng time sa isa’t isa at malayang makakapamasyal. May makakakilala man sa kanila roon na kapwa natin Pilipino ay hindi naman ganoon karami Kaya makakilos sila nang maayos, na hindi sila dudumugin lalo na ng kanilang mga fan.

RODEL FERNANDO: Totoo ka Rommel at talagang nasabik ang ating mga celebrity sa pag-travel. Isa na nga rito ay si Jennylyn Mercado na sinamantala ang pagkakataon para makapagbakasyon kasama ang kanyang anak.

Halatang nag-enjoy si Jen dahil ibinalandra niya sa kanyang Instagram account ang mga picture lalo na ang pag-conquer niya sa ilalim ng dagat. Sa isang resort sa Mabini Batangas siya nag-relax kasama ang kanyang anak na si Jazz.

Isa sa paborito ng aktres ang diving kaya sobrang happy siya kapag nasa ilalim ng tubig. Of course, ibinabalita niya sa kanyang boyfriend na si Dennis Trillo ang ginagawa niyang activity kapag nasa ilalim na sya sa dagat hanggang sa kung sino ang nakakasama niya sa pagsisid at paglangoy.

Deserve naman ito ni Jennylyn dahil sa sobra na ring pagod sa trabaho niya at iba pang iniintindi. Nakatutuwa nga dahil kahit abala siya sa kanyang ginagawa ay palagi siyang may time sa kanyang anak. Tulad na lang nitong bakasyon niya kahit sobrang busy siya sa paglangoy at ini-enjoy ang tubig sa dagat ay maya’t-maya naman ang pagtsi-check niya sa kanyang anak.

MILDRED BACUD:Bago pa lang ang relasyon nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ay panay rin ang bonding nila.Nitong huli bago sagutin ng aktres ang aktor ay sa isang resort sa Bohol sila nag-bonding.

Sa seksing 2 piece swimsuit nabighani ang aktor ang aktres kaya naman ilang buwan lang ang hinintay niya ay naging jowa na niya si Barbie. Matatandaang sa isang post ng aktor kung saan nagkomento at nagbiro ang kaibigang si Gerald Anderson at sinabi nitong ang galawan daw ni Diego ay malamang natutunan nito sa 3rd floor (biruan nilang magkaibigan).

Well, speaking of Gerald and Julia, madalas din umano sila mag-out of town, ‘yun lang ay patago. Pero nitong huli sa mga larawan ng dalawa, obvious daw na kuha ito sa resort ng aktor dahil pareho ang dingding at bamboo furniture sa background.

Tulad ng LizQuen at KathNiel, kelan nga raw kaya maibabandera nina Gerald at Julia ang masaya nilang bakasyon?

ROLDAN CASTRO: Mahilig din akong mag-travel kaya ramdam ko ang pagkasabik ni Kathryn Bernardo. Wish din ng lahat na bumalik sa normal para walang alinlangan pag nagliwaliw sa ibang bansa.

Ang mga celeb ngayon ay nakikita na lang na nagtatampisaw sa Boracay, Palawan. Sa beach muna sila nagi-enjoy.

Pero ngayong pandemya, mas nagkaroon ng oras ang mga artista sa kanilang sarili. Mas may time sila na maglawatsa. Kahit ‘yung mga sikat na artista ay pakonti-konti ang raket na pumapasok sa kanila.

Bilang na bilang mo ang kaliwa’t kanan ang ginagawa.Una na diyan ay si Alden Richards na 3 ang tv shows sa GMA 7 (Eat Bulaga, All Out Sunday at Centerstage) at may movie pang gagawin with Bea Alonzo.

Sa mga director naman ay si Joel Lamangan ang sunod-sunod ang shooting. Siya na ang pandemic director at si Dennis Evangelista ang pandemic line producer.

Kumbaga, matutukoy mo talaga ang mga artistang indemand ngayong pandemic.

Talbog!

The post Kathryn sabik na sa lakwatsa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments