TUMITINDI ang ugong na magsasagupa sina eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia ng Estados Unidos ngayong taon.
Ito’y dahil sa mga hinahayag ng ama ni Garcia na si Henry na ilang detalye na lang kailangan para maikasa ang laban.
“It’s not bizarre, it’s just two people who want to fight each other; Ryan’s fighting a legend and Pacquiao’s fighting a rising star, so it’s not awkward at all,” pagmamalaki ni Henry sa interview ng Sky Sports nitong Huwebes.
Ayon sa nakatatandang Garcia, napag-usapan ang 10-round match lang at hindi paglalabanan ang World Boxing Association (WBA) super welterweight belt ng Pinoy ring icon.
Binanggit na ng Pambansang Kamao, na kung matutuloy ang laban kay Garcia ay isang exhibition match lang. (Elech Dawa)
The post Pacquiao vs Garcia konting kembot pa first appeared on Abante Tonite.
0 Comments