Five years ago (January 4, 2016, to be exact), nag-perform si Kim Molina sa press launch ng Born To Be A Star, ang singing talent-reality competition ng TV5.
Inawit niya ang "Pangarap Na Bituin," isa sa mga “national anthem” ng mga nangangarap pumasok sa local entertainment industry.
Five years later, kasama si Matteo Guidicelli, ipakikilala ngayon si Kim bilang co-host ng Born To Be A Star na mapapanood pa rin sa TV5, simula sa January 30, 2021.
"Nagulat po ako when I was told that I am to host the show with Matteo," kuwento ni Kim nang malaman nitong magiging bahagi siya ng Born To Be A Star.
"Akala ko, magiging judge ako ulit since it's a singing competition.
"Nag-sink in na lang sa akin ang lahat when Boss Veronique del Rosario-Corpus confirmed it to me over the phone, followed by Matteo texting me how excited he was."
Produkto rin ng mga singing competition si Kim kaya alam na alam nito ang pakiramdam ng mga nangangarap makapasok sa showbiz. Pero hindi niya inaasahang magiging artista siya dahil ang pagkanta ang kanyang first love.
"Sa katunayan po, hindi ko inisip na mararating ang kinalalagyan ko ngayon.
"In the first place, hindi ko po inasahang magiging artista ako, and to host a television show.
"I wanted to be a singer and that was the only priority at first.
"Then I was given the chance to hone my craft as an artist, as a whole, kaya ako naman po, pinagbubutihan ko na lang din po and absorb everything little by little.
"I am blessed to be surrounded by people who never stop pushing me to go on. From my family, my boyfriend Jerald, and even my management, lagi silang nandiyan para ipaalala po sa akin na kahit ano pa po mangyari, nandiyan sila para suportahan ako along the way.
"I think yun ang ang naging isang pinakamalaking factor kaya nandito pa rin ako at hindi tumitigil sa kung ano man ang gusto ko po na marating."
PANDEMIC-PROOF STAR
Isa si Kim sa mga "pandemic-proof star" dahil sa kabila ng banta ng coronavirus pandemic, tuluy-tuloy ang pagkakaroon niya ng mga bagong programa at sunud-sunod na television guestings.
Pero inamin ni Kim na kahit magaganda ang nangyayari ngayon sa kanyang singing, acting, at hosting career, may nararamdaman siyang takot.
"Hindi naman po mawawala ang takot. Hindi ko rin po iniisip na mabilis ang lahat dahil lagi ko pong inaaalala ang mga tao na, bata pa lang po ako, nangarap na kasama ko.
"Palagi kong naaalala si Daddy, ang sacrifices niya for me and how he molded me to be the performer that I am now.
"Pangarap niya po ito para sa akin kaya lahat po ginagawa ko to make him and my mom proud."
Lastly, may payo si Kim para sa mga kagaya niyang nangarap noon at natupad ang mga ambisyon.
"Huwag kang titigil mangarap kahit maraming tao ang nagsasabi sa 'yo na hindi mo ito kayang abutin. Magpatuloy ka lang.
"As cliché as it sounds, it’s true. Never stop.
"And if you think you already reached it, just go on and never stop learning," mensahe ni Kim.
[ArticleReco:{"articles":["156044","156039","156035","156033"], "widget":"Hot Stories"}]
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
0 Comments