Romualdez sa Agri: Ayusin price monitoring

Iginiit ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na dapat maging eksakto ang price monitoring ng Department of Agriculture (DA) sa mga produktong agrikultural.

Sinabi ni Romualdez na batay sa Bantay Presyo ng DA, ang large na itlog na puti ay nagkakahalaga ng P8 hanggang P9 kada isa pero sa mga palengke ang presyo ay P9 hanggang P11 at meron pang umaabot ng P12.

“Bakit may diperensiya sa presyo, kahit piso lang?” sabi ni Romualdez. “Alam nating ginagawa ng DA ang kanilang makakaya sa pagbabantay ng presyo, pero siguro, mas mainam na dagdagan pa natin ang ating mekanismo sa pag-monitor.”

“Ang bawat piso ay mahalaga. Kailangan natin itong itama para maging malinaw ang ipinapakita sa pamilihan,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Romualdez na mahalaga na tama ang mga datos upang makagawa ng angkop na polisiya at mapanatili ang tiwala at kumpiyansa ng mga mamimili.

Upang mas maging¬ angkop ang presyo, sinabi ni Romualdez na dapat isama rito ang presyo ng mga vendor at operator ng palengke. (Billy Begas)

The post Romualdez sa Agri: Ayusin price monitoring first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments