May before and after photos ba itong si Loisa Andalio na nagkakalat sa kung saan-saan? Kasi naman nangigigil daw ito sa mga paratang na magic of science ang dahilan kaya ang ganda-ganda niya sa kasalukuyan.
Issue pa ba ngayon ang gandang natural versus gandang nilikha ng mga salamat po doctor?
Common occurrence na iyan sa panahong kaya kung may ganiyang mga akusasyon, huwag na patulan at mas lalong wag na pansinim.
Andalio dear, kahit ano naman ang ipaliwanag mo, hindi mananalig ang iyong bashers at haters. Para sa kanila, retokada princess ka and no amount of explanation will sway and change their belief.
Dapat kasi ning, para mas lalong nabuwiset ang mga katkatera, pinapisil mo sa jowa mong si Ronnie Alonte ang iyong ilong para makita nila na proportional ito to your face.
Maganda at nakaka-aliw ka ning kaya wag ka na mainis pa at mangibil sa mga mga umaakusa sa iyong dahil sa agham kaya ka naging apple of the eyes at nagpapalundag sa puso ni Ronnie Alonte.
Hayaan mo silang maiingit. Hating you will not make them prettier, Loisa Andalio. Dapat by now, alam mo na iyan.
Inisnab man ng MMFF:Nora waging Best Actress
Nagbubunyi ang mga Noranian dahil in a major, major way ang mga ginawad na parangal para sa “Isa Pang Bahaghari: na mula sa GEMS.
Si Nora Aunor ay ang Best Performance by An Actress in a Leading role. (Congrats kahit tinalo siya ni Charlie Dizon sa MMFF-ED). Kay Phillip Salvador- Best Performance by An Actor in a Leading Role. Siyempre pa, si Michael De Mesa- Best Performance ang hinirang na An Actor Male or Female in a Supporting role.
Nag-viktoria rin ang “Isa Pang Bahaghari” bilang Natatanging Pelikulang Pampamilya at ang para sa producer nito, ang Heaven’s Best Entertainment ay itinanghal na “Film Production of the Year.”
Nagpapasalamat rin ang inyong diva that you love sa bumubuo at pamunuan ng GEMS Hiyas ng Sining Awards dahil ang inyong lingkod, sa pang-limang pagkakataon ay pinarangalan bilang Best Male Entertainment Columnist.
Salamat po sa inyo dahil it felt good to know na ngayong may pandemya, isang sector ng ating lipunan na binubuo ng mga guro, estudyante at iba pa, eh may binasa ang aking pitak.
Naway sa aking mga isinulat sa Diva Chronicles dito sa Abante TONITE, kayo po ay napangiti, kumunot ang mga noo, nagdabog ang bangs at ang napag-isip na tama nga ang aking mga kuda at hanash.
The post Loisa umalma na Retokada Princess first appeared on Abante Tonite.
0 Comments