Hinahangaan ng kanyang mga kasamahang artista at mga katrabaho ang isang kilalang male singer na sa kabila ng kanyang patagilid na pagharap sa katotohanan tungkol sa kanyang kasarian ay hindi nagkakalat.
Kung tutuusin ay siya ang inaasahan ng mga kasamahan niya na kakikitaan ng kung anu-anong kagaspangan dahil may patikim na siyang pag-amin pero hindi niya ‘yun ginagawa.
Kuwento ng isang source, “Ang respeto talaga, e, hindi nahihingi, kusang ibinibigay ‘yun sa atin. Tulad ng male singer na ‘yun, respetado siya ng mga kasamahan niya!
“Kasi nga, e, kumikilos siya nang maayos, hindi siya ang klaseng nagkakalat, kaya naman iginagalang siya,” patikim na kuwento ng aming impormante.
Matagal nang nagbigay ng pahimakas ang male singer na kabaro rin niya ang nagpapasaya sa kanya, ikinuwento niya ang buhay niya mula nu’ng kabataan niya, naugnay pa nga ang pangalan niya sa isang popular na male personality.
Patuloy ng aming source, “Tahimik lang siya, hindi niya ipinaglalantaran sa publiko ang mga ginagawa niya. puwedeng may mga pinagtutuunan din siyang extra-curricular activities, pero ginagawa niya ‘yun discreetly.
“Marunong siyang magdala, marespeto siya sa sarili niya, kaya respect din ang ibinibigay sa kanya. Ikinukumpara nga siya ng mga kasamahan niya sa ibang male personalities na pinagdududahan din ang gender, e.
“Makyokyondi kasi ang mga ‘yun, kung saan-saan rumarampa, sila mismo ang gumagawa ng dahilan para hindi sila irespeto. Kung saan-saan sila nakikitang may kakuyangyangang lalaki, pero deny naman nang deny!
“E, itong male singer na kung tutuusin, e, may kalayaan na ngang gumawa ng mga kababalaghan dahil nagpatikim na siya ng pag-amin, napakasimple lang niya talaga.
“Kahit sa probinsiya nila kapag umuuwi siya, respetado rin siya, walang nambabastos sa kanya dahil nasa ayos ang kilos niya. Walang kayabang-yabang sa katawan ang male singer na ‘yun!
“Mark my word, hindi siya mababastos kahit kailan kung ganyan niya rin karespeto ang sarili niya!” pagtatapos nang may pagmamalaki ng aming impormante.
Mana ni Meryll kay Willie ‘habol’ ni Joem
Nakakalalaki ang pamba-bash kay Joem Bascon na kaya lang niya binalikan si Meryll Soriano ay dahil sa pagiging heredera nito ng kanyang amang si Willie Revillame.
Panganay na anak ni Willie si Meme, matagal nang sinasabi ni Willie na lahat ng kanyang mga ginagawang pagsasakripisyo at pagpupundar ng mga ari-arian ay hindi na para sa kanya kundi para sa mga anak nitong maiiwan, nagpapakatotoo lang ang TV host.
“Lahat ng meron tayo ngayon, sa isang iglap lang, e, mawawala ring lahat. Hindi naman natin madadala lahat ‘yan kapag nawala tayo.
“Tapos na ako para sa sarili ko, para sa mga anak ko na lang ang pinaghahandaan ko,” madalas sabihin ni Willie.
Apat na anak na may iba-ibang ina ang tinutukoy ni Willie, si Meryll ang panganay, pantay-pantay ang tingin sa kanila ng TV host.
Kung mahina-hina lang ang control at may kaigsian ang pasensiya ni Joem Bascon ay siguradong papatulan niya ang mga salitang ipinupukol sa kanya ngayon ng mga taong masayang-masaya kapag nakakapanakit ng kanilang kapwa.
Ang mamanahin lang daw ni Meryll kay Willie ang kanyang habol. ‘Yun lang daw ang inaasinta ng aktor kaya niya binalikan si Meme.
Kung ang dati nga raw niyang karelasyon nang walong taon ay iniwan niya, si Meryll pa kaya ang hindi makaranas ng ganu’n, dagdag na salita pa ng mga bashers.
Nakakaawa naman si Joem Bascon, kahit pa itaya na niya ang kanyang buhay para mabigyan niya ng magandang buhay si Meryll at ang kanilang anak ay mamaliitin lang ng mga bashers, dahil ang naglalaro nga sa kanilang anak ay ang pinag-iinteresan diumanong kayamanan na mamamana ni Meryll mula sa kanyang ama.
Nakakalalaki nga naman ‘yun.
The post Male singer ‘di nagkakalat ng kalandian first appeared on Abante Tonite.
0 Comments