Puwede pa ring manatili sa Alaska Milk ang nagrerebeldeng si Victorino ‘Vic’ Manuel lalo’t kundi siya babaratin ng Aces sa panibagong kontrata simula sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa April 9.
Sumingaw ito sa unang panayam ni Ruel Acot ng Sports All-In nitong Lunes, dalawang araw makaraang nagpupuyos niyang ihayag ng power forward ang paglayas sa Uytengsu franchise dahil sa dalawang taong alok lang na contract extension na may P420K monthly maximum paycheck, pero may team, option pa ang ikalawang taon.
Nabatid ng 33-year-old, 6-foot-4 cagerr ang offer sa pakikipagpulong kay coach Jeffrey Cariaso sa kaagahan ng buwan.
Pero ngayong napag-alaman ng incoming nine-year pro veteran ang hinaing sa pamagitan ng kanyang madiplosmayang agent-manager na si Danny Espiritu, tiwala siyang ia-adjust ni Alaska governor/team manager Richard ‘Dickie’ Bachmann ang kontrata.
“Hindi pa natin alam kung ano mangyayari. Kahit ano man mangyari, kailangan mag-move on. Kahit mawala ako, nandiyan pa rin naman yung team at yung players. Nandiyan pa rin yung suporta ko,” litanya ng basketbolistang tubong Licab, Nueva Ecija at produkto ng PSBA Jaguars. “Malay natin makasundo pa.”
Inaasahan nina Manuel at Espiritu na maaring maging tatlong taon ang babaguhing kasunduan na garantisado para sa manlalaro lalo’t palagay na una sa team na pugad na niya ng pitong taon. (Ramil Cruz)
The post ‘Wag lang baratin Manuel papatali pa rin sa Alaska first appeared on Abante Tonite.
0 Comments