Manny ‘patutulugin’ ni Ryan

BAYANI man kung ituring ni lightweight contender and social media star Ryan Garcia si eight-division world champion Manny Pacquiao, hindi ito mag-aatubiling makatapat at i-knockout ang fighting senator kung mabibigyan ng pagkakataon.

Kahit anong laban pa aniya ito, mapa-sanctioned bout man o exhibition ay hindi niya uurungan ang kanyang dream bout.

“The fight is going to be a fight. Whether they named it an exhibition or a real certified match, I’m throwing punches like I’m trying to knock Manny Pacquiao out,” pasiklab pa ng 22-anyos na boksingero.

Saad pa ng batang boxer ay ready itong mag-adjust ng timbang o umakyat pa sa weight division kung ito ang gusto ni Pacman matuloy lang ang kanilang laban.

“I’m going full in on it. And that’s what I did. … I was like, ‘OK, I can’t worry about any other fight. I’m going to go after Manny Pacquiao.’ And that’s what’s happening next,” aniya.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang upakan ng dalawa. (Aivan Episcope)

The post Manny ‘patutulugin’ ni Ryan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments