Ipinahinga ng Brooklyn si Kevin Durant, pero may James Harden at Kyrie Irving na umiskor ng tig-25 para ihatid ang Nets sa magaang na 147-125 panalo laban sa Oklahoma City Thunder Biyernes ng gabi.

Pahiyang lang daw si Durant, ang No. 2 scorer ng liga, ayon kay coach Steve Nash. Rumesponde naman ang Nets nang lambatid ang season-high point total.

Perpektong 6 for 6 sa 3-point range si 19-year-old rookie Theo Maledon tungo sa 24 points para sa Thunder. May 24 points si Shai Gilgeous-Alexander.

Abante ng siyam ang Brooklyn pagkatapos ng opening quarter bago nilista ang first 10 points ng second para sa 46-27 lead.

Umagwat pa ang Nets 76-59 sa halftime, ang kanilang season-high point total sa isang half.

Bago ang break ay may 17 points na si Harden mula 6 of 8 shooting.

Parehong 15 of 26 mula sa field ang Nets sa first at second quarters.

Nangolekta ng 70 points sa paint ang Brooklyn kumpara sa 38 ng OKC. (VE)

The post Harden, Irving sinupalpal OKC first appeared on Abante Tonite.