Masusing binabantayan ng PBA ang nangyayari sa NBA, kung paanong sinosolusyunan ang dumadaming kaso na may kinalaman sa Covid-19.
“Minamatyagan natin nang husto kung ano ginagawa nila,” ani commissioner Willie Marcial nitong Huwebes. “Kung ano maganda, i-a-adopt natin dito.”
Mas hinigpitan ng NBA ang health and safety protocols.
Kahit may anim na laro nang na-postpone, walang plano ang oldest professional basketball league na itigil ang 75th o 2020-21 season.
Kabilang sa mga huling hindi tinuloy ang Utah-Washington at Orlando-Boston matches.
Sa April pa ang plano ng PBA na umpisahan ang 46th season, may sapat na panahon para pag-aralan ang ginagawa ng counterpart na liga sa US.
Pinigil ng coronavirus pandemic noong March ang dalawang liga, nag-restart ang NBA sa Orlando bubble.
Ginaya ‘yun ng PBA, nagtayo din ng bubble sa Clark, Pampanga at natuloy ang season bagama’t Philippine Cup na lang ang natapos na pinagharian ng Ginebra.
May home-and-away games na sa NBA pero walang audience sa venues.
Kumikiling ang PBA sa pagtatayo ng semi-bubble concept sa Metro Manila lang. (Vladi Eduarte)
The post Marcial alerto sa NBA first appeared on Abante Tonite.
0 Comments