Mommy Dacera natakot: ‘Hindi namin alam sino kalaban!’

Umapela ang pamilya ng nasawing flight attendant na si Christine Angela Dacera para ipagdasal ang pagkamit ng katarungan para sa dalaga.

“Please pray for us as we continue to fight for justice for Christine,” pahayag ng kanyang inang si Sharon Rose, sa libing ni Christine kahapon sa Forest Lake Memorial Park sa General Santos City.

Giniit ng ginang na hindi sila titigil hanggang hindi makukulong ang mga umano’y may kagagawan ng sekswal na pang-aabuso sa dalaga.

Aniya, kailangan ng kanilang pamilya ng pag-unawa at patuloy na suporta, “Since we still don’t know who did this to her and we need ourselves to be protected also.”

Bago dalhin sa huling hantungan, inaalala ng malalapit niyang kaibigan at kaanak ang kabaitan at mga katangian ni Christine. Para sa kaibigyan niyang si Janessa Villota, dismayado umano sila sa mga espekulasyon ng mga tao sa kaso ng pagkamatay ng kaibigan, “She is who deserves to live. We will not be silenced, we will not let this case be ignored or forgotten after this burial. We will fight for the truth, we will fight for you.”

Samantala, hindi pa umano kailangan na maglabas sa ngayon ng precautionary hold departure order (PHDO) laban sa 11 respondent sa nasabing kaso ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Aniya, “Not at this time. Prosecutors apply for PHDO when, based on the evidence presented during the preliminary investigation, probable cause that a crime has been committed is more or less established, and it is likely that the respondents will flee from the country before the criminal information is filed in court.”

Una nang pinalaya ang tatlong suspek na unang kinasuhan dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Itinakda ang preliminary investigation sa Enero 13.

Magugunita na si Dacera ay natagpuang walang buhay sa bathtub ng isang hotel sa Makati City noong Enero 1, matapos silang mag-party ng mga kaibigan. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Mommy Dacera natakot: ‘Hindi namin alam sino kalaban!’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments