Hindi pa man opisyal na nakakarating sa bansa ang bakuna laban sa COVID-19 vaccine heto’t mayorya sa ating mga kababayan ang nag-aalangan o talagang ayaw magpabakuna kontra sa virus na ito.
Itoy kasunod nang naging findings ng OCTA Research kung saan 25 porsiyento lang mga respondent sa Metro Manila ang gustong magpaturok ng anti-coronavirus vaccines sa oras na available na ito sa bansa.
Batay sa survey, 28 porsiyento ang ayaw mapagbakuna at 47 porsiyento naman ang nagsabing hindi pa sila nakakapagdesisyon kung magpapabakuna ba sila o hindi sa anti-COVID-19 vaccine.
Medyo nakakaalarma ito. Buti na lang marami pa rin ang undecided at may panahon pa para kumpinsihin ang mga itong magpabakuna laban sa virus sa oras na dumating na nga ito sa bansa.
At habang hinihintay pa kung pagdating ng bakuna, may sapat pang panahon ang gobyerno ay i-educate ang mga tao at palakasin ang kumpiyansa ng mga ito hinggil sa kahusayan at benepisyo ng COVI9D-19 vaccine.
Nauna nang naglaan ang Kongreso ng P72.5 bilyon pondo para pambili ng gamot laban sa coronavirus at target nito na mabakunahan ang 60 hanggang 70 milyong mga Filipino.
Tandaan na ang public confidence ay napakahalaga apra maging matagumpay na vaccination program ng gobyerno laban sa coronavirus disease. Pero kung 28 porsiyento lang ang papayag na mapabakunahan, tiyak na haihirapa pa ring makontrol ang pendemya.
Kaya dapat kumilos na ang pamahalaan at hikayatin ang mamamayan na sumali vaccination program kontrao COVID-19 nang sa gayon ay masayang ang effort pa mapigilan na ang pagkalat ng virus na sa Pilipinas.
Sab nga ni Sen. Franklin Drilon, para daw maging matagumpay ang immunication laban sa COVID-19, kailangang ma-maintain ang high-level vaccination rate o at least 60 milyon na mga Pinoy.
Target ng gobyerno na maisakatupara ito sa susunod na tatlo hanggang limang taon kaya may sapat panahon para mabago ang isip ng ilan na ayaw magpabakuna kontra sa virus na ito. Ito’y isang malaking hamon sa gobyerno.
Nauna nang nagpabakuna ang mga Presidential Security Group gayundin ang mga kawani ngPhilippine Offshore Gaming Operators employees bagama’t hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) ang bakuna na ginamit sa kanila.
Marahil isa itong dahilan kung bakit hindi pa ganoon kakumpiyansa ang mga Pinoy dahil hindi pa nila sigurado na ligtas o hindi ang gamot ng itinuro sa mga miyembro ng PSG at POGO personnel.
Well, sana maganda ang resulta walang negatibong epekto sa katawan ang vaccine na ginamit sa kanila. Kung OK, siguro naman magkakakaroon ng tiwala ang mga Pinoy sa bakuna kontra COVID-19.
Kaya mahalagang mahalagang maging transparent ang awtoridad sa publiko sa pamamagitan ng pagbigay ng tamang impormasyon sa kaligtasan at kahusayan ng COVID-19 vaccine na ito. May oras pa sila para gawin ito.
The post Paigtingin ang tiwala ng tao sa COVID bakuna first appeared on Abante Tonite.
0 Comments