Pia ‘alalay’ ng bf

NI:ARCHIE LIAO

Nag-post ang 2015 Ms.Universe Pia Wurtzbach ng short video ng kanyang nobyong si Jeremy Jauncey sa kanyang Instagram account.

Kuha ang video sa Morocco kung saan naglalakad ang foreigner na dyowa sa historic at scenic alley ng nasabing lugar.

May caption itong: “Getting lost in the medina of Marrakech,@jeremy jauncey.Kinda proud of my steady hands hahaha, video by me.”

Ang Marrakech ay sentro ng kalakalan at mga mosque sa Morocco.

Marami naman ang humanga sa kakisigan ni Jeremy sa kanyang outfit. Inihalintulad ito sa prinsipe sa Beauty and the Beast.

Sey naman ng ilan, may ibubuga raw pala si Pia sa paggawa ng video.

Katunayan, puwede na raw nitong kumpetensiyahin ang Beautiful Destinations CEO.

Hirit naman ng ilang netizen, iba raw talaga ang nagagawa ng true love kesehodang magmukhang alalay ang beauty queen ng kanyang Scottish-Colombian boyfriend.

The post Pia ‘alalay’ ng bf first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments