Barbero inasinta sa shop

Todas ang isang barbero nang malapitang barilin ng isa sa dalawang di pa nakilalang mga lalaki sa pinagtatrabahuhang barbershop sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Ang biktima ay si Enrico Santiago Enano, 34, barbero sa Good Guys Barber Shop, taga-Maligaya Park, Barangay Pasong Putin, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, alas-5:00 ng hapon nang maganap ang pamamaril.

Sa imbestigasyon ni PCMS Elizalde Toledo, sinabi umano ng kapwa barbero na si Emilio Lukkanit na katatapos lamang umanong maggupit ng biktima at nagpahinga ay bigla na lamang siyang nakarinig ng putok ng baril at makitang duguan nang nakabulagta ang biktima.

Agad namang sumakay sa nakaabang na motorsiklo ang di pa kilalang suspek at mabilis na pinaharurot ng kasamahan.

Isinugod pa sa Commonwealth Hospital and Medical Center ang biktima subalit binawian din ng buhay. (Dolly Cabreza)

The post Barbero inasinta sa shop first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments