Sean de Guzman, proud pinanood ang Anak ng Macho Dancer kasama ang pamilya

Kagabi, January 30, 2021, ang digital premiere ng Anak ng Macho Dancer sa Ktx.ph, isa sa mga streaming platforms ng ABS-CBN.

Kasabay ng streaming ng launching movie ni Sean De Guzman ang pagkalat sa social media ng screenshots at film clips ng mga highlight na eksena sa Anak ng Macho Dancer.

May netizens din na nag-aalok ng link para sa full copy ng pelikula, na agad na naging biktima ng piracy.

Nagpahayag ng pagkadismaya si Sean nang malaman nito ang pamimirata na ginawa sa unang pelikula niya.

May apela siya sa publiko: "Nakaka-disappoint at wala naman tayong magagawa at kahit anong sabihin natin na hindi mamirata, e, hindi talaga natin sila mapipigilan.

"Pero sana huwag na natin gawin dahil pinaghirapan ng mga tao sa likod ng camera iyang pelikula na iyan.

"Maraming nawawalan ng kita at trabaho."

Sa phone interview niya sa Cabinet Files kaninang umaga, January 31, nakiusap din siya sa mga fans na nanonood ng mga piniratang pelikula, "Please, wag po natin hayaan yung mga namimirata."

Sa kabila ng disappointment niya laban sa movie pirates, masaya si Sean dahil sa mga papuring natatanggap niya sa kanyang pagganap sa Anak ng Macho Dancer.

Ilang oras bago ang streaming ng launching movie niya, matinding kaba ang naramdaman ni Sean.

“Nakaka-proud sa sarili na puro positibo ang mga feedback sa akin as a newbie actor at masaya ako dahil maraming natuwa sa performance ko sa Anak ng Macho Dancer. 

"Grabe ang kabog ng dibdib ko at super yung awkwardness na na-feel ko kasi marami kaming nakaabang na manonood.

"Kasama ko ang friends and family ko sa panonood. Natutuwa at proud sila sa akin dahil nakikita nila yung mga pinaghirapan ko,” ang sabi ni Sean na may mga frontal nudity scene sa Anak ng Macho Dancer, pero hindi niya ikinahiya sa pamilya at mga kaibigan dahil parte ito ng propesyon na kanyang pinasok.

Pagkatapos ng streaming ng Anak ng Macho Dancer, may bagong pelikula si Sean na mapapanood sa February 2, at malapit nang magsimula ang taping niya para sa isang television series.

Looking forward din si Sean sa mga pelikulang gagawin niya dahil pumirma siya ng guaranteed ten-picture contract sa Viva Films.

[ArticleReco:{"articles":["156412","156336","156408","156377"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments