Matatapos na ang trade restrictions ng PBA sa Jan. 4, ibig sabihin masisimulan na rin ng teams na nagbabalak magbalasa ng estratehiya para magsulong ng deals sa 45th o 2021 season sa darating na Abril 9.
Isa sa inaabangan si Greg Slaughter ng Barangay Ginebra San Miguel.
Walang kontrata ang 32-year-old, 7-footer sa Gin Kings dahil hindi siya pumirma pagkatapos mapaso ang dating deal noong January 2020 nang bawiin ng crowd favorite ang Governors Cup crown.
Pumunta ng US si Slaughter, bumalik ng bansa bago ang restart ng Philippine Cup sa Pampanga bubble nitong Oktubre.
Bago pa mapaso ang kontrata ni Slaughter, may tsismis nang ite-trade siya sa NorthPort kapalit ni Christian Standhardinger. Walang nangyari.
Maraming nakaabang sa serbisyo ni Gregzilla, pero kailangan muna siyang bitawan ng Gins. Nasa Ginebra pa ang rights kay Slaughter, humingi ng paumanhin sa management, kina SMC boss Ramon S. Ang at team governor Alfrancis Chua.
Pero sa sagot ni Chua, mukhang mabuburo pa ang basketbolista. (Vladi Eduarte)
The post Slaughter maaring pang-trade na lang first appeared on Abante Tonite.
0 Comments