Angelica Panganiban posts kissing photo with new boyfriend; is this Gregg Homan? 

Pagpasok ng Bagong Taon ay kinumpirma ni Angelica Panganiban ang napapabalitang pagkakaroon niya ng bagong pag-ibig. 

Sa kanyang Instagram post nitong January 1, 2021, ipinakita ni Angelica ang litrato nila ng nobyo na magkahalikan sa isang beach. 

Base sa makikitang wooden walkway sa background ay kuha iyon sa beach sa Subic, Zambales.

Kilig na caption ni Angelica, "Kung isa kang pelikuka, sana, wala kang ending." 


IS ANGELICA'S MYSTERY BOYFRIEND GREGG HOMAN?

Hindi pinangalanan ni Angelica ang kanyang non-showbiz boyfriend. 

Pero hindi kaila sa mga masugid na fans ni Angelica na ang hinihinalang nobyo niya ay isang foreigner na nagngangalang Gregg Homan. 


Si Gregg ay natukoy na may-ari ng isang kumpanyang nagdidisenyo, gumagawa, nagbebenta, at nagpaparenta ng boats at water crafts sa Subic. 

Noong November 2020 unang natukoy si Gregg bilang bagong inspirasyon ni Angelica. 

Naiulat ang pagtawag ng aktres na "Honn" kay Gregg at malambing na nagmensahe rito na "come home na."

Nasa Batangas kasi si Greg noong panahong iyon. 

Hindi rin nakaligtas sa netizens ang panunukso ng mga malapit na kaibigan ni Angelica tungkol sa masayang estado ng love life ng aktres. 

CELEBRITY REACTIONS

Ngayong isinapubliko na ni Angelica na mayroon na siyang bagong nobyo, tuwang-tuwa ang kanyang mga kaibigan para sa kanya. 

Nanguna sa mga nag-post ng comments sina Glaiza de Castro, Bela Padilla, Kim Chiu, at Angel Locsin. 

Pati sina Isabel Oli, Marian Rivera, Kaye Abad, Jasmine Curtis-Smith, at Dawn Chang ay kinilig para kay Angelica. 

Sabi pa ng best friend ni Angelica na si John Prats, "Happy for you Pets!" 

[ArticleReco:{"articles":["155731","155430","155756","155845"], "widget":"Hot Stories"}]

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Post a Comment

0 Comments