Tinulak referee! Clarkson na-TF

Binigyan ng isang technical foul si Utah Jazz guard Jordan Clarkson nang itulak ang isang referee sa laban ng koponan kontra Phoenix Suns, Biyernes (Manila time).

Napituhan ang 28-year-old Fil-Am cager sa second quarter nang aksidenteng ma-dribol niya ang bola sa paa ng game official resulta para maitulak ang referee.

May kointribusyyon ang former Gilas Pilipinas baller na 12 points, five rebounds at two assist lamang sa 106-95 loss ng Jazz sa Suns.

Bumida naman sa panig ng Suns si Devin Booker na may 25 pts. Bumakas ng tig-16 markers sina Jae Crowder at Mikal Bridges. (Janiel Abby Toralba)

The post Tinulak referee! Clarkson na-TF first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments