Top-rating shows na Kapamilya, nagparamdam sa pag-air ng ASAP Natin 'To! sa TV5

NOEL FERRER

Sa opening number pa lang ng ASAP Natin ‘To ngayong Enero 24, Linggo ay statement song na agad ang pinakawalan:

“I’m alive, I’m alive, I will fly, higher and higher... Bigger, better!”

Sabi ng frontliners na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez sa opening spiels, “As they say, there is strength in numbers. Dahil kapag mas marami, mas masaya.

“Kaya tawagin na ang buong pamilya — si Nanay, si Tatay, mga anak, si Lolo, si Lola, at ang mga kapatid. Dahil saang panig ka man ng Pilipinas, ng mundo, we celebrate as one.

“Pinagsanib-pwersang saya ang hatid namin sa inyo. Mas malawak at mas malaki.

“Dahil sa pinagsamang lakas ng mga Kapamilya at mga Kapatid, we’ve got a bigger and wider reach.

“Mula sa online, cable, at free TV hanggang TFC, hatid namin ang world-class and quality entertainment para sa inyong lahat.

“Marami pong salamat sa inyong patuloy na pagmamahal at suporta. Dahil sa inyo, palakas nang palakas, at patindi nang patindi ang ating pagsasama.

“Hindi ninyo kami iniwan at lagi po kayong nandiyan. Kaya naman wherever you are, we are one and we’re happy together.

“Bilang isang pamilya at kapatid, kaya naman feel the power of our love as we continue to entertain and bond with you every Sunday.

“Dito lang kung saan tayo’y laging sama-sama dahil kuwento natin ‘to, musika natin ‘to... ASAP Natin ‘To!”

Kasama ang iba’t ibang top-rating entertainment programs ng ABS-CBN—ASAP Natin ‘To, It’s Showtime, Magandang Buhay, Ang Sa Iyo Ay Akin, at Bagong Umaga—live ang representatives nila, with Coco Martin of FPJ’ Ang Probinsyano doing a gap-ender spiel.

Nag-promo na rin ng inspirational series na Huwag Kang Mangamba, the theme song of which ay kinanta ni Angeline Quinto.

Siyempre, present ang mga bida riyan na SethDrea (Seth Fedelin & Andrea Brillantes) at KyCine (Kyle Echarri at Francine Diaz).

May shining moment si Francine na ipinagdiwang ang kanyang birthday.


Kabilang pa sa mga nag-perform sina Bamboo, Kim Chiu, Moira, Jed Madela, Nyoy Volante, Joshua Garcia, Elha Nympha, KZ Tandingan, Jona, Loisa Andalio, Enchong Dee, Bini, at marami pang iba.

Pati sina Anne Curtis at Angel Locsin ay may greeting din sa patuloy na paglawak ng mga manonood dahil magkasama na ang mga Kapamilya at Kapatid!

Anne Curtis greetings from Australia.

At habang mino-monitor natin ang ASAP Natin ‘To (ng ABS at TV5) at AOS (ng GMA-7), nauna na ang concert prod number ni Rayver Cruz (na dating taga-ASAP) with brother Rodjun sa grand welcome ng Kapamilya kay Janine Gutierrez.

May welcome greetings kay Janine from lola Pilita, daddy Monching, directors ng Dagsin at Babae at Baril (kung saan nag-Best Actress si Janine), brother Diego, mommy Lotlot, and the Drama King Christopher de Leon.

“Panaginip” ang welcome song ni Janine with Martin Nievera, Gary Valenciano, and Ogie Alcasid.

First time ni Janine na tumapak sa isang Kapamilya studio at ang pakiramdam niya, “Surreal! Parang panaginip talaga!”

Janine Gutierrez on ASAP Natin 'To.

GORGY RULA

Maganda ang pag-welcome kay Janine, samantalang at home na at home sa Kapuso network ang kasintahan at dating Kapamilyang si Rayver Cruz.

Pawang papuri kay Rayver ang naririnig ko mula sa production staff.

Kahit ang kapatid niyang si Rodjun ay gustung-gusto rin nilang katrabaho dahil napakabait daw at walang karekla-reklamo.

Minsan daw ay halatang nahihirapan sa pinapagawa sa kanila pero wala ka raw naririnig na reklamo.

Halata rin minsan na hindi kumportable si Rayver sa pinapasuot sa kanya, tinitiis na lang daw nito.

Kapag hindi talaga puwede, parang nahihiya pa raw itong magsabi sa staff.

Napakaayos daw ng pagpapalaki sa magkakapatid, ang komento ng karamihan, kaya ang gaan nilang katrabaho.

Nag-e-enjoy lang sila sa pagsasayaw sa Tiktok at hindi nakikihalo sa mga hanash at kuda sa socmed.

Hindi malayong mabigyan sila ng mas maganda pang projects sa GMA-7.

JERRY OLEA

Masayang-masayang pahayag ni Gary V, “Oh, boy! It is one... one major historical day for all of us. Sama-sama tayong lahat sa pag-ukit ng panibagong kabanata, bagong kabanata na ito, sa kasaysayan ng Philippine television.”

Sambot ni Regine, “Dahil starting today, hindi lang tayo mapapanood sa Kapamilya Channel, sa Kapamilya Online Live, iWant TFC, at A2Z. Dahil sa isang pamilya, kabilang diyan ang kapatid.

“Nagsanib-pwersa as one ang ABS-CBN at TV5 para sa ASAP Natin ‘To!”

Napa-yehey nang buong taginting ang Kapamilya artists, at napaindak. Hirit ni Martin,

“Everyone is talking about unity, so, with the spirit of unity, two networks have come together today as one to better serve the Filipinos...”

Pinasalamatan nila ang mga pangalan na hindi nila nababanggit before—ang PLDT Chairman na si Manny V. Pangilinan at ang Presiden and CEO ng Cignal at TV5 na si Robert P. Galang.

Bulalas pa ni Martin, “Now it can be said, now you know, that you can’t have a happy Kapamilya without a Kapatid!

“And when that happens, when we come together as one, it’s when we know for sure... It’s Showtime!”

Sabay-sabay na isinigaw nina Vice Ganda, Vhong Navarro, at Jhong Hilario, “What’s up, madlang people?!”


Kumendeng-kendeng si Vice, na agaw-pansin ang pulang suot, “What’s up, madlang people, mga Kapamilya at mga Kapatid? Maraming-maraming salamat po.

“Personally, I would like to say thank you very much. To PLDT and TV5 Chairman Mr. Manny V. Pangilinan, Cignal-TV5 President and CEO Mr. Robert Galang.

“Maraming-maraming salamat po. Congratulations and thank you very much for making this milestone happen with ABS-CBN. Congratulations!”

Siyempre, napahiyaw muli sila sa nag-uumapaw na galak.

“Kapamilya, Kapatid,” pakli pa ng Unkabogable Phenomenal Superstar.

“Pag pinagdugtong mo, ano?” usisa ni Vhong.

Tugon ni Vice, “Kapatilya... Magkasundo sila, kasi, pareho silang may kapa. Kapamilya, Kapatid. Kaya magkapaan tayong lahat.”

Nagmuwestra si Vhong, “Gusto ko lang idagdag, sa mga Kapatid natin diyan, kami po ang mga Kapamilya.”

Napangiti si Vice, “At kaya tayo nandidito, ang ganda! Kasi, di ba, nag-merge? Inclusive. Di ba? Wala nang dibisyon. May TV5, may ABS-CBN. May Kapamilya, may Kapatid. Siyempre, kaya ako nagganito...”

In-extend ni Vice ang kanyang pulang suot, at nagmistula iyong puso.

Poker-faced si Vice, “Kapuso... Mabuhay kayo, mga Kapatid. Mahal na mahal namin kayo!”

Sabi pa ni Vhong sabay hawak sa suot ni Vice, “Sakto pala. Two plus Five equals...”

“Puso!” sambit ni Jhong.

[ArticleReco:{"articles":["156277","156258","156276","156212"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments