Nahulog sa bubungan ng tanggapan ng Lions Club ang bahagi ng malaking tower crane mula sa ginagawang condominium sa Pasay city kahapon.
Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naturang insidente na naganap ala-1:05 ng madaling-araw, pero nagdulot ito ng pangamba sa mga stay-in na kawani na nasa kabilang tanggapan lamang natutulog.
Kaagad namang inatasan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano si City Engineer Edwin Javaluyan na ipatawag ang contractor ng ginagawang gusali upang magpaliwanag sa naturang insidente, pati na rin ang mga opisyal ng Lions Club Pasay upang dinggin ang umano’y kanilang naunang kahilingan na ipatigil muna ang konstruksiyon ng gusali.
Nauna ng sinabi ng ilang opisyal ng Lions Club Pasay na noon pa nila hiniling sa alkalde na ipatigil ang konstruksiyon hangga’t hindi nakakasunod sa wastong panuntunan lalo na’t bumabagsak ang mga debris sa ginagawang gusali sa kanilang bubungan.
Nang ireklamo umano ito ng mga opisyal sa kontraktor, naglagay lamang sila ng malaking net na sasalo sa debris subalit kapag nagmumula sa pinakamataas na parte ng gusali ay sa kanila ring bubungan bumabagsak. (Mia Billones)
The post Tower crane ng condo bumagsak first appeared on Abante Tonite.
0 Comments