Beal, Wizardz angat sa Heat

Umiskor ng 32 si Bradley Beal at umahon mula 13-point deficit sa second half ang Washington para malusutan ang Miami 103-100 sa 2020-21 NBA regular season game sa American Airlines Arena sa Florida Miyerkoles ng gabi.

Umayuda ng 13 points si Deni Avdija, tig-11 sina Rui Hachimura at Davis Bertans para sa Wizards na umakyat sa 5-13 win-loss record at hilain pababa ang biktima sa 7-14.

Namuno sa Heat ang 20 points ni Tyler Herro, 19 kay Jimmy Butler at may 17 si Bam Adebayo.

Iginapos ng Wizards sa katiting na 35 points lang ang Heat sa second half at nalusaw ang naipundar na 65-55 lead ng Miami sa halftime.

Pagkatapos umpisahan ng 3 ni Herro ang second half, nangamote na ang Heat.

Ipinahinga ng Washington si Russell Westbrook sa pangalawang gabi ng back-to-back games.

Umiskor si Beal ng 25 o higit pa sa lahat ng 17 games ngayong season, panlimang player na nag-start ng season sa ganitong streak pagkatapos ng 25 straight ni Rick Barry noong 1966-67. (Vladi Eduarte)

The post Beal, Wizardz angat sa Heat first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments