Isang Pinoy-made mini-series at isang lumang Regal movie, nananatili sa Top 10 Most-Watched ng Netflix Philippines

JERRY OLEA

Eleven consecutive days nang #1 sa Netflix Philippines ang digital movie series na The House Arrest of Us.

Pebrero 1, Lunes nag-umpisa ang streaming sa Netflix ng 13-episode series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Number 1 ito sa Netflix Philippines mula Pebrero 2 hanggang 12.


Nitong Pebrero 13, Sabado ng umaga, pumangalawa na lang ang KathNiel mini-series.

Ang nanguna ay ang documentary series na Crime Scene: The Vanishing at the Cecil Hotel.

Apat na episodes ang nasabing docu-series tungkol sa pagkawala ng Canadian student na si Elisa Lam noong Pebrero 1, 2013 sa Cecil Hotel sa Los Angeles, California.

Number 3 sa listahan ang South Korean soap opera film ni Song Joong-ki na Space Sweepers (2021).

Ekstra rito ang isang Pinoy na waiter sa isang restaurant, at may dialogue itong, “Oorder ba kayo? Kung hindi na naman, umalis na kayo!”

Sa isang crowd scene ay meron ding humiyaw ng Tagalog.

Number 4 sa listahan ang Regal movie na Foolish Love (2017), na pinagbidahan nina Tommy Esguerra, Miho Nishida, Jake Cuenca, at Angeline Quinto, sa direksyon ni Joel Lamangan. 

Number 5 ang American police procedural comedy series na Brooklyn Nine-Nine: Season 7, na pinagbibidahan ni Andy Samberg.

Number 6 ang 2020 South Korean TV series na 18 Again, na base sa 2009 film na 17 Again.

Number 7 ang American-Chinese Western drama film ni Tom Hanks na News of the World (2020).

Number 8 ang South Korean TV series na The Uncanny Counter (2020), kung saan bida si Jo Byung-gyu bilang paranormal hunter na si So Mun.

Maganda ang pagkagawa ng TV series, at bongga ang ratings nito, kaya ni-renew ito para mag-season 2.

Number 9 ang 2020 Chinese fantasy film na The Yin-Yang Master: Dream of Eternity, na may bahid ng Doctor Strange ng Marvel Cinematic Universe.

Number10 ang American period drama series na Bridgerton, ang most-watched series sa Netflix. Noong Disyembre 25, 2020 pa nagsimula ang streaming nito.

So far, ang iba pang most-watched series ng Netflix ay season 1 ng The Witcher (#2), season 4 ng Money Heist (#3), season 3 ng Stranger Things (#4), Tiger King: Murder at Mayhem and Madness (tabla sa #5), The Queen’s Gambit (#6), season 2 ng You (#7), season 1 ng Too Hot to Handle (#8), season 1 ng Ratched (#9), at season 2 ng The Umbrella Academy (#10).

GORGY RULA

Effective din kasi ang promo ng Regal tuwing may pelikula silang pumasok sa Netflix.

Sana, ma-maintain ng pelikulang ito ang posisyon sa top 10.  Nakakaaliw si Angeline dito sa Foolish Love.

Hopefully ay makapasok din sa Top 10 ang Regal movie nina Lovi Poe at Joem Bascon na The Annulment (2019).

From left: Winwyn Marquez, Tom Rodriguez, and Lovi Poe in

May mga palabas na hindi umaabot ng 24 oras sa top 10 list.

Inaasahan naming papasok na sa Top 10 ang To All The Boys: Always and Forever, na nitong Friday evening nag-umpisa ang streaming sa Netflix Philippines.

Samantala, puspusan na rin ang promo ng GMA-7 sa pagsisimula ng I Can See You anthology sa Netflix sa Lunes, February 15.

Mauuna rito ang unang installment ng anthology, ang "Love on the Balcony" nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.


Sa Marso 1 pa ang streaming ng “The Promise” nina Paolo Contis, Andrea Torres, Yasmien Kurdi, at Benjamin Alves. Ito ang gusto kong mapanood.

Sa Marso 15 matutunghayan ang “High-Rise Lovers” nina Lovi Poe, Tom Rodriguez, at Winwyn Marquez.

At sa Marso 29 ang streaming ng “Truly. Madly. Deadly.” nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, at Rhian Ramos.

NOEL FERRER

Iba ang promo ng online streaming. Kasi, tuluy-tuloy o sustained, at hindi after showing ay wala na agad.

Ang latest nga ay they hire influencers na para mag-post ng foreign shows sabay paggaya ng publicity poster ng local artists.

At least, may trabaho ang artista natin na kumikita kahit barya-barya sa pagiging influencer kahit naka-quarantine.

[ArticleReco:{"articles":["156563","156506","156439","156243"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments