Umalma si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa mga alegasyon na alam na ng Philippine National Police (PNP) ang kinaroroonan ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang pero hinihintay lang ilabas ang pabuya para sa ikadarakip nito.
Ayon kay Remulla, hindi na siya mag-aalok ng P10 milyong pabuya para sa ikadarakip ni Ang kung alam niya kung saan nagtatago ang puganteng negosyante.
“That’s a very unfair statement. Kung alam ko lang ‘yun, it is to my interest na makuha siya kaagad. Ako ang naglagay ng bounty na ‘yun galing sa office ko, bakit ko pa gagawan ng drama?” katwiran ni Remulla.
“Hindi naman ako maarteng tao. Kukunin ko ‘yan as soon as I can,” diin pa ng kalihim.
Ayon sa DILG chief, tatlong raid na ang ginawa ng PNP base sa nakuhang tip sa mga informant pero lahat ito ay negatibo.
“We are actively pursuing him kung saan. Mayroon pang 4 other locations kaming minamata in the next two days na pupuntahan din namin,” paglalahad pa niya.
Si Ang ay ipinapaareto ng dalawang regional trial court sa Laguna at Batangas dahil sa kasong kidnapping with homicide kaugnay ng mga missing sabungero.
Kumbinsido rin si Remulla na nasa Pilipinas pa si Ang pero para makasiguro ay hihingi rin sila ng tulong sa Interpol.
“All indications are still here. We will know the chief PNP will coordinate with Interpol para makita if may sightings sa kanya sa ibang bansa,” ani Remulla.
The post Jonvic Remulla umaray na palabas lang P10M pabuya kay Atong Ang first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments