Janine bet maging babaeng ahas

Personal ang naging desisyon ng award-winning actress na si Janine Gutierrez na maging isang Kapamilya.

Isa raw ang naging dahilan nito ay ang patuloy na paglalabas ng ABS-CBN ng mga de-kalidad na programa para sa mga manonood.

Namamangha siyang nagagawa pa rin ito ng Kapamilya network sa kabila ng mga pinagdaanan nito noong nakaraang taon.

“ABS-CBN will always be ABS-CBN. Personally I’m amazed at how despite the situation, ABS-CBN comes up with so much quality content, at syempre, ang mga Kapamilya hindi bumibitaw. Everything is also digital. The opportunities are limitless ngayon,” lahad niya.

“I really wanted to grab this opportunity and make new projects, be part of new stories, work with new people. Kahit ano pa man ang sitwasyon, masaya ako na nandito ako sa ABS-CBN,” dagdag pa niya.

Inanunsyo rin niya sa naturang media conference na magi-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsyano bago ang sariling teleserye, gagawa ng isang pelikula sa ilalim ng Star Cinema at magho-host ng ‘ASAP Natin ‘To” .

“I’m so happy to be here and to be given the opportunity to be a Kapamilya. Excited akong makilala lahat ng mga Kapamilya, pati mga Kapamilya abroad,” sabi ng aktres.

Sey pa ni Janine , gusto niyang makatrabaho ang ilang iniidolong artista sa ABS-CBN, gaya nina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Angel Locsin, Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, at Liza Soberano.

“So many women I look up to with so many good projects na it’s a mixture of ang ganda ng teleserye niya pero nakakagawa siya ng magandang pelikula. Ang ganda ng takbo ng mga career nila. Ang dami ko talagang iniidolo dito,” sambit pa ng aktres.

Bukod sa kanila, gusto rin daw niyang makatrabaho sina Paulo Avelino, Enchong Dee, Jericho Rosales, JC Santos, Carlo Aquino, at Gerald Anderson.

Anyway mapapanood si Janine sa pelikulang Dito at Doon. First time nilang magtatambal ni JC Santos. Kasama rin sa movie sina Victor Anastacio at Yesh Burce. Ito ay sa direksyon ni JP Habac.

Sa isyu naman na gaganap siyang ‘Valentina’ sa Darna, wala pa raw offer.

“It’s so interesting for me, kasi, of course, I’m a fan of Darna, I’m a fan of all the old films.Siyempre, flattered ako na nakikita ako ng ibang tao na mapasama sa ganoong klaseng proyekto. But I don’t know, we’ll see,”bulalas pa niya.

Sa mga ‘di nakakaalam, si Valentina ay ang babaeng ahas na mortal na kaaway ni Darna.

Talbog!

@@@

Alden namangha sa virtual set ng show

Bilib ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa dedikasyon ng GMA Network para makapagbigay ng world-class entertainment sa kanilang loyal viewers.

Ikinuwento ni Alden kung paano sinigurado ng network ang nalalapit na pagbabalik ng talent show for kids na ‘Centerstage.’

“There’s always a way despite what’s happening. GMA will always adjust for the Kapuso, the Filipino viewers, for them to be able to continue watching certain shows that they love to watch. Doon ako napa-proud to be Kapuso.”

Dagdag pa niya, dapat abangan ng manonood ang kanilang makabagong virtual set na ikinamangha niya, “Now that we’re back, we couldn’t be any happier kasi this is a breakthrough again in Philippine television, to be able to do a TV show virtually, for the safety of the contestants since we’re catering to kids. Kung gaano po kami ka-excited, I’m sure magiging excited din po ‘yung mga tao. It’s going to be the first dito po sa Centerstage.”

Ngayong Linggo na, Pebrero 7, magpapatuloy ang paghahanap ng Bida Kid sa ‘Centerstage.’

The post Janine bet maging babaeng ahas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments