Manilyn Reynes's father passes away

Pumanaw na ang ama ng aktres na si Manilyn Reynes ngayong Martes, February 2.

Sa pamamagitan ng Instagram, inanunsiyo ni Manilyn ang pagpanaw ng kanyang amang si Nelson Reynes.

Mensahe niya sa salitang Cebuano: “Pahuway na, Dy. Wa nay sakit ug ka-lisud para kanimu. Pinangga kaayo ta ka.

“Namu nilang Aljohn, Kyle, Kirk ug Kael. Love you very much. We all love you very much.”

(Pahinga na, Dy. Wala ng sakit at hindi ka na mahihirapan pa. Mahal na mahal kita. Naming lahat nina Aljohn, Kyle, Kirk, at Kael.)

Noong Biyernes lamang, January 29, nanawagan pa ang Pepito Manaloto star sa kanyang followers ng taimtim na dasal para sa ama.

Apela ng aktres, “Please help us pray for Daddy.
Salamat po. #prayersfordaddynelson

Kasama sa kanyang post ang talata sa Isaiah 41:10 ng Bibliya.

Nakasulat dito: “So do not fear, for I am with you: do not be dismayed for I am your God.

“I will strengthen you and help you: I will uphold you with my righteous right hand.”

Matagal nang nakaratay sa banig ng karamdaman ang ama ni Manilyn. 

Noong October 2019, naantig ang maraming netizens sa Instagram video na ibinahagi ni Manilyn kung saan mapapanood dito ang pag-awit nila ng inang si Mommy Louching kay Daddy Nelson. 

[ArticleReco:{"articles":["156457","156456","156454","147179"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments