Aalis patungong Chile ngayong linggo ang Alas ‘Pinas Girls na determinadong harapin ang malaking hamon sa kanilang batang karera sa 2nd FIVB Volleyball Girls U17 World Championship 2025.
Mapapasabak ang koponan ng kabataan sa mga nangungunang koponan sa mundo sa torneo sa Agosto 6-16, dala ang kumpiyansang nabuo mula sa makasaysayang kwalipikasyon sa 2nd Asian Volleyball Confederation Women’s U16 Championship noong Nobyembre sa Jordan.
Sa kabila ng pagharap sa mga tradisyonal na malalakas sa sport, giniit ng mga Filipina – na smga inusuportahan ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission – na walang takot na sasabak sa torneo.
“Pare-parehas lang po kami nagtatraining at magkakaedad lang kami, so dapat huwag kami matakot at ipakita lang namin kung ano pong meron sa team,” pahayag noong Sabado ni UST standout Megan Hernandez.
Ang nangungunang scorer na si Xyz Rayco, na nagpakitang-gilas sa AVC U16 Championship, sinang-ayunan ang pananaw ng katropa.
“Kailangan ipakita naming palaban kami,” sey ni Rayco.
Naniniwala si assistant coach Oliver Balse na kayang makipagsabayan ng koponan sa mas matatangkad na kalaban sa pamamagitan ng kasanayan at paghahanda.
“Sa age-group, kahit ibang lahi, pare-pareho pa. Merong taller players of course, but skills makakatapat tayo sa kanila,” ani Balse.
Ksama ng Nationals sa Pool B ang China, Mexico, Peru, Tunisia at Venezuela.
Ang mga manlalaro ng National University na sina Khaira Manzano, Irish May Mahinay, Frances Dianne Ramos at Jhaynna Bulandres nasa koponan din kasama sina Madele Gale ng Bacolod Tay Tung, Sharina Lleses ng King’s Montessori School, Caera Celis ng St. John’s Institute, Resty Jane Olaguir at Jhenica Sadia ng Ateneo, Taj Arkhea Teves ng UST, Nadeth Herbon ng Leyte National High School at Jello Andrea Mauricio ng San Felipe Neri Catholic School.
Ang host Chile ang nasa Pool A kakhabilo ang Czechia, Egypt, Thailand, Turkiye at USA.
Nasa Pool C ang Argentina, Brazil, Croatia, Spain, Japan at Poland.
Ang Italya at Korea ang nasa Pool D kasama ang Algeria, Dominican Republic, Puerto Rico at Chinese Taipei. (Abante Tonite Sports)
The post Alas Girls kumpiyansa sa Chile FIVB U17 World Championship first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments