
Nababahala ang Alliance for Concerned Teachers (ACT) sa kahihinatnan ng edukasyon ngayong school year lalo na’t bawal pa rin ang face-to-face class kahit sa mga tinukoy na ligtas na lugar ng Department of Health (DOH).
Ayon sa ACT, inutusan na ng Department of Education-Region 5 ang mga guro na mag-print ng mga module sa ratio na 1:2 o isang module lang ang nilaan sa bawat dalawang mag-aaral.
Ang kautusan ay napapaloob anila sa DepEd-5 Division Memorandum No. 0195 series of 2021 kung saan inutusan ang mga guro na mag-isa nang umpisahan ang printing ng module dahil maaari umanong ma-delay ang release ng SMILE Learner’s Packets.
Sa 1:2 ratio, magiging problema anila kung sino ang unang hahawak sa module at sasagot sa mga worksheet, maging kung ang mag-aaral pa ba ang magdadala ng module sa kaklase niya.
Sinabihan ng ACT si Pangulong Duterte na ‘tumigil na sa pagiging balakid sa edukasyon’ at payagan na ang face-to-face class sa 120 paaralan na inilista ng DOH para sa pilot nito. (Eileen Mencias)
The post DepEd tinipid mga module sa Bicol first appeared on Abante Tonite.
0 Comments