Maglalabas ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng mga panuntunan ukol sa panibagong desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang gawing mandatory sa mga mamamayan ang pagsusuot ng face shield kung nasa open area sila.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, maglalatag sila ng mas malinaw na kahulugan, lalo na sa pagtukoy ng crowded o matataong lugar at aktibidad para maiwasan ang kalituhan ng publiko.
Aniya, kabilang sa mga tutukuying crowded na lugar ay ang palengke, terminal, at pampublikong transportasyon. (Dolly Cabreza)
The post DILG lilinawin patakaran sa tanggal face shield first appeared on Abante Tonite.
0 Comments