Manny sinupalpal mga inggit kay Jinkee

NINA :Archie Liao, Issa Santiago

Nagbigay ng reaksyon si Manny Pacquiao kaugnay ng batikos na natatanggap ng kanyang misis na si Jinkee . May kinalaman ito sa pagdi-display nito ng luxury stuff sa kanyang social media account.

Sey kasi ng ilang netizen, insensitive raw si Jinkee. Todo flaunt daw ito ng designer items na binili sa panahong maraming nagugutom sa global pandemic.

Hirit naman ng ilan, dapat daw ay bawasan na ang paglalantad ni Jinkee ng expensive stuff out of delicadeza dahil public servant ang kanyang mister.

Giit ni Pacquiao, pinaghirapan nila ang pera na pinambili ng mga gamit nila at hindi naman ito ninakaw sa gobyerno.

Matatandaang pinuna si Jinkee dahil sa inirampang kasuotan sa laban ni Pacquiao kay Cuban boxer Yordenis Ugas kamakailan kabilang na ang mga alahas at bag dahil umabot umano ang kabuuang halaga nito sa mahigit P2 milyon.

“‘Yung asawa ko mukhang mamahalin lang ‘yun, pero ‘di naman masyadong mahal ‘yung mga sinusuot niya. ‘Yan namang pera na ‘yan, dugo at pawis, hard-earned money ko. Hindi iyan ninakaw sa gobyerno. Hindi ‘yan ninakaw dun sa mga tao kundi pinaghirapan ko ‘yan. Pinaghirapan namin.

“Kung anuman meron kami, dream namin iyon. Sakripisyo, dugo at pawis ang puhunan namin para kami maging masaya,” lahad ni Pacquiao sa interview sa The Chiefs.

Kung magsuot naman daw sila ng pangmahirap ay sasabihan din sila ng plastik at style ng mga trapong politiko lalo ngayong palapit na ang eleksyon.

“Hindi kami ganoon. Hindi kami marunong makipagplastikan. Hindi naman kami nagnanakaw, pinaghirapan namin kung ano meron kami,” sambit pa ng boxing icon.

Ito naman ang ilang reaksyon ng netizens sa kanyang naging pahayag.

“Tama namn si Manny eh…dugo at pawis ang pinuhunan nya para matamasa kung ano meron sila ngayon.. magalit kayo kapag pera ng government ang ginagastos nila pambili ng luxury stuff nila.. oo madami naghihirap sa Pilipinas eh bkit hindi kaya magtanungan sila lahat kung bkit sila mahirap. “

“Ganyan talaga pag biglang yaman, napakashow off. Pero medyo nakarelate ako, ganyan din ako nung first time ko makabili ng Chanel na bag, panay ang show off ko but I realized walang may pake. Lesson learned, nanghinayang ako sa libo libong pinangbili ko.”

“Siguro kung ordinaryong tao mga kaibigan mo wala talaga silang paki pero kung mga famous personalities ang nakakahalubilo mo like Jinkee ibang kaso yan kasi status symbol sa kanila yun. Wag mong ihanay sarili mo sa hindi mo kalevel dahil iba talaga.”

‘Hindi masyado mahal pino-post niya” HAHAHAHA! OKAY. Not a basher pero we all know and see what’s out there sa IG niya.”

The post Manny sinupalpal mga inggit kay Jinkee first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments