Mga gadget susi sa Bree Jonson case

Ni Nancy Carvajal

Nasa kostudiya na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga personal gadget ng yumaong artist na si Bree Jonson bilang bahagi ng kanilang imbestigasyon sa sanhi ng pagkamatay ng huli.

“We will know more after the forensic examination of these gadgets,” banggit ni NBI Director Eric Distor sa Abante Tonite.

Dagdag ni Distor, ipatatawag din nila ang mga indibidwal na malalapit kay Jonson at sa sinasabing nobyo nito na si Julian Ongpin bago matagpuang walang malay ang babae.

“It will help in the investigation if we will know Jonson’s and Ongpin’s mental state or demeanor before they went back to their room.”

Binahagi rin ng NBI official na nai-turnover na sa NBI ang material evidence gaya ng cellphone, laptop, at camera ni Jonson.

“We will apply a search warrant on the gadgets to be able to examine its content,” saad pa ni Distor.

Nakumpleto na rin aniya ang pangalawang autopsy ng NBI team sa labi ni Jonson pero tumanggi ang opisyal na isiwalat ang mga resulta.

Magugunitang lumitaw ang mga magulang ni Jonson sa harap ni Distor sa NBI office nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa isa pang NBI source, nag-volunteer ang ilang saksi upang magbigay ng pahayag sa mga imbestigador ng bureau.

Sinabi rin ng source na walang record na lumabas ng Pilipinas si Ongpin, na anak ng bilyonaryo at dating trade secretary Bobby Ongpin.

“He is still in the country, we have yet to determine his exact location for the subpoena asking him to appear before our investigators,” sabi ng source sa Abante Tonite.

The post Mga gadget susi sa Bree Jonson case first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments