SC: Department of Energy may werpa i-takeover mga power firm

Kinumpirma ng Supreme Court (SC) ang kapangyarihan ng Department of Energy (DOE) na i-takeover ang operasyon ng mga pribadong kompanya sa industriya ng langis sa panahon na mayroong emergency alinsunod sa ipag-uutos ng Pangulo.

Ito’y makaraang pagtibayin ng SC ang Section 14(e) ng Republic Act No. 8479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 na nagkakaloob ng kapangyarihan sa DOE, sa ngalan ng Pangulo, upang i-takeover ang mga kompanya ng langis sa panahon ng national emergency.

Base sa 37 pahinang desisyon na inilabas ng SC noon pang Pebrero 2023 subalit nitong Martes, Mayo 5, lamang isinapubliko, binaliktad ng mga mahistrado ang desisyon ng Court of Appeals na nagsasabing unconstitutional ang naturang probisyon ng RA 8479.

Isinulat ni Acting Chief Justice Marvic Leonen ang desisyon ng SC En Banc kung saan ay kinatigan nito ang petition for review on certiorari na kinuwestiyon ang naging desisyon ng CA na nagpapatibay sa naunang ruling ng Regional Trial Court na unconstitutional ang naturang seksyon ng batas. (Juliet de Loza-Cudia)

The post SC: Department of Energy may werpa i-takeover mga power firm first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments