Aljur, Kylie tigil giyera

Inamin ni Aljur Abrenica na nagandahan siya sa interview ng asawang si Kylie Padilla sa Kapuso Mo, Jessica Soho na umere last week.

Ayon sa aktor sa kanyang panayam sa online show ni Jobert Sucaldito na The Bash, matapos niyang mapanood si Kylie sa KMJS, bumalik daw sa kanya ang magagandang pinagsamahan nila ng asawa.

Sa nasabing panayam ng ani Kylie ay nabanggit niya na isa sa magandang alaala niya sa relasyon nila ni Aljur ay ang sobrang pag-aalaga sa kanya nang ipinagbubuntis niya ang panganay nilang si Alas.

Para kay Aljur, ito rin ang isa sa best memories niya sa kanilang pagsasama.

“’Yung pag-aalaga ko sa kanya, isa rin ‘yun sa pinakamasaya ko rin dahil ‘yung pagsilbihan ang asawa ko nu’n eh masaya na rin ako nu’n.

“Hindi talaga ako nagtrabaho ng 9 months. Since day 1, ‘di ako nagtrabaho. Araw-araw ko lang siyang kasama, inaalalayan ko. Araw-araw akong nagluluto ng noodles. ‘Yun ang kine-crave niya, eh,” sabi ni Aljur.

Bukod dito ay marami pa raw silang magagandang memories talaga sa loob ng 6 na taon nilang pagsasama.

“’Yung trip namin sa Hong Kong, first trip namin kasama ang anak namin,” he said.

Natutuwa rin si Aljur na sa kabila ng mga nangyayari sa kanila ni Kylie ay nag-uusap pa rin sila bilang magulang ng kanilang dalawang anak. In fact, just recently lang ay nag-post ang aktor na kasama niya ang mga bata.

“Sa kabila ng lahat ng nangyayaring mga ganito, eh constant pa rin ang communication namin lalo na tungkol sa mga bata.

Wish ni Aljur na mag-move-on na ang lahat sa kanilang hiwalayan at matapos na ang lahat ng panghuhusga.

“Sana makapag-move on na tayo kasi, ‘yun ang pinaka-makakabuti instead of judging others. Let’s just remember the good things,” aniya.

Aminado naman siyang naaapektuhan din siya sa mga harsh comments at minsan ay hindi na nakakatulong talaga.

“So, sana makapag-move-on na tayo. Pakiusap ko lang ‘yun. Pero kung trip n’yo talaga, di sige, tuloy n’yo lang,” sey niya sabay-tawa.

The post Aljur, Kylie tigil giyera first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments