Hindi lang si OPM hitmaker Renz Verano ang umani ng matinding palakpakan sa kanyang “IBANG IBA KA NA: Thriving @ 30th Anniversary Concert”. Umagaw rin ng atensyon sina Aerwyna Pearl, Robby Diesta, at Lyndon McLain, na naging tampok sa naturang konsiyerto na ginanap sa Tanghalang Pasigueño sa Pasig City.
Dinagsa ng mga tagahanga ang selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng walang kupas na awiting “Ibang Iba Ka Na.”
Hanggang ngayon ay patuloy na kinakanta at minamahal ng mga Pilipino mula nang una itong sumikat noong 1996.
Pinasaya rin ni Renz ang audience sa pag-awit ng ilan pa niyang mga hit tulad ng “Remember Me,” “I Don’t Wanna Talk About It,” at iba pang awiting sabay-sabay na inawit ng mga manonood.
Bukod kina Aerwyna Pearl, Robby Diesta, Lyndon McLain mas lalong naging makulay ang gabi sa paglahok ng mga recording artists ng EBQ Productions, kabilang sina KITTRIX, Erwin Factoran Guina, Ivana Itawis, John Rey Infante Mendoza, Domss Mission, Nonie Inciong, Clarise Acosta Imperial, RayeRaye, Giane Rosales, Shoogar Bet, Eve Quin Nick Quintua, Joseph V. Rivera, Mart Joseph Garcia, KZ Custodio, Julius Brian Salvania, at ang Kantawanan Show.
Isa sa highlight ng programa ang kakaibang pagtatanghal ng ilang EBQ artists ng awiting “Ibang Iba Ka Na” sa iba’t ibang wika, na nagpakita kung gaano kalawak ang naging impluwensiya ng kanta sa loob ng tatlong dekada.
Bukod sa kanilang matagumpay na performance, may isa pang ipinagdiwang sina Aerwyna Pearl, Robby Diesta, at Lyndon McLain. Ang tatlo ay kabilang sa mga ginawaran ng Most Influential Filipino Asian Award, isang pagkilalang lalo pang nagpapatibay sa kanilang lumalaking pangalan sa larangan ng musika at entertainment.
Samantala, labis ang pasasalamat ni Renz sa patuloy na suporta ng kanyang mga tagahanga.
“Nagpapasalamat ako sa aking mga supporter dahil hindi nagbabago ang kanilang pagtangkilik at paghanga. It’s the best reward that a performer can ever have,” ani ng beteranong mang-aawit.
Ibinunyag din niya na may bago siyang single na pinamagatang “Hiram” sa ilalim ng PolyEast Records, na maaari nang mapakinggan sa iba’t ibang digital streaming platforms.
Para kay Renz, isang napakalaking biyaya ang manatiling buhay sa puso ng publiko ang awiting “Ibang Iba Ka Na,” na hanggang ngayon ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa maraming Pilipino makalipas ang 30 taon.
<iframe width=”1281″ height=”721″ src=”https://www.youtube.com/embed/4S_Oh8S4Fro” title=”Showbiz Pulis | Isyu ni Kim Chiu pinapa-OA raw para umingay si Ryzza Mae | June 28, 2026″ frameborder=”0″ allow=”accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share” referrerpolicy=”strict-origin-when-cross-origin” allowfullscreen></iframe>
The post Aerwyna, Robby,Lyndon umariba sa concert ni Renz Verano first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments