Batang aktor ayaw tantanan sa bading isyu

Maraming pink sisters at mga miyembro ng LGBTQA+ community ang nagbunyi sa kumalat na video ng isang gay couple professing their loved for each other.

Lookalike daw ng dating child actor ang isa sa couple.

Dahil dito, ilang katkatera na naman ang binubuhay ang gay issue tungkol sa kanya.

Pagtatanggol naman ng ilan, hindi raw ang bagets aktor ang nasa nasabing video kundi kahawig lang nito.

Hayden inokray sa ex ni Vicki

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Hayden Kho ang litrato habang todo-effort siya sa pag-anggulo sa pagkuha ng litrato.

Makikitang ang kinukuhanan niya ng picture ay ang dating asawa ng kanyang misis na si Atom Henares at ang partner nito.

Marami naman ang humanga sa celebrity doctor dahil sa magandang relasyon ni Hayden sa ex ni Dra. Vicki.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na kinakitaan ng magandang pakikitungo si Hayden kay Atom dahil noong kasal ng huli sa partner nitong si Nathalie ay dumalo rin ito kasama ang asawang dermatologist of the stars.

May ilan namang kibitzers ang nang-intriga na nagmukha raw dyulalay si Hayden sa mag-asawa dahil pa-impress daw ito sa pagtayo nitong photographer ng dalawa.

May dumepensa naman dito at sinabing ipinakita lang daw ng doktor na maganda ang breeding nito sa naging pakikitungo nito sa ex ng asawa.

Umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon sa mga netizen na humanga sa degree of maturity ni Hayden mula nang maging Christian ito.

Ito ang ilan sa kanilang mga naging komento.

“The maturity of the relationship of this family is goals.”

“Truly passionate our photographer 😬👍🏻✨

“Just shows how mature he is kesehodang magmukha pa siyang dyulalay ng mag-asawa.”

“He’s so cool and I admire him for that.”

Vice sinagip ng Pinoy sa Tate

Masasabing mag-asawa na talaga ang turingan nina Vice Ganda at ng boyfriend nitong si Ion Perez.

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Vice ang bonding nila ni Ion sa kanilang trip sa Amerika.

Sa kanilang bakasyon, bumisita si Vice sa iba’t-ibang lugar sa California tulad na lamang ng Hollywood Walk of Fame sa Vine Street sa nasabing estado.

Napasabak din siya sa bonggang paglalaba sa isang laundromat sa Tate.

Naloka pa si Vice dahil aniya, syunga-syunga raw siya dahil di raw siya marunong mag-operate ng washing machine at dryer dahil coin-operated ang mga ito.

Mabuti na lang daw na merong Pinoy sa pinuntahan niya at tinulungan siya kung paano ang sistema ng paglalaba using automated machines.

Marami naman ang pumuri kay Vice sa pagpapaka-wifey nito kay Ion.

May mga nang-uurot tuloy kung hindi raw kaya nagpakasal na ang dalawa o secretly married na ang showbiz couple sa Amerika?

The post Batang aktor ayaw tantanan sa bading isyu first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments