‘Guro’ nagsalsal sa harap ng dalaga, kalaboso

Pinosasan ang isang 29-anyos na lalaki makaraang mag-masturbate sa harapan ng isang dalaga sa loob ng isang opisina sa isang pampublikong palengke sa Imus City, Cavite, Sabado ng gabi.

Kasong unjust vexation ang kinahaharap ng suspek na si Saidamin Guro, dahil sa reklamo ng isang empleyada ng isang negosyo sa loob ng Imus Public Market sa Imus City, Cavite.

Sa ulat ni Pat. Gerard Ashley Gervacio ng Imus City Police Station, nagtatrabaho ang babae sa loob ng kanilang opisina nang nagpaalam sa kanya ang suspek kung puwede siyang maghintay sa loob ng waiting area ng kanilang tanggapan dahil sa mainit na panahon sa labas.

At dahil nakikilala naman ng biktima ang manyak ay pumayag siyang tumambay ito sa kanilang waiting area. Pero pagkalipas ng ilang minuto ay nabigla siya nang nakita na si Guro na nagsasalsal ng ari sa kanyang harapan.

Nagtatakbong palabas ang kawani at humingi ng tulong sa Civil Security Unit ng palengke na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek dakong alas-7:30 ng gabi. (Gene Adsuara)

The post ‘Guro’ nagsalsal sa harap ng dalaga, kalaboso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments