
Dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR), mas maiksi na ang curfew hours sa Caloocan City.
Sa ipinalabas na Executive Order No. 066-21 na nilagdaan ni Mayor Oscar Malapitan, epektibo ngayong araw ang curfew na mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw. Mula ito sa dating alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.
Ayon sa alkalde, makakatulong ito para sa pagbangon ng ekonomiya ng lungsod dahil madadagdagan ang operating hours ng mga establisimiyento na nag-o-operate sa gabi.
Ilan lamang sa mga natuwa sa bagong oras ng curfew sa Caloocan ang mga mall at grocery store dahil mas late na silang puwedeng magsara. (Orlan Linde)
0 Comments