Umariba ang concert ni Mgyz Molino na “Yakap ni Bunso” sa Tanghalang Pasigueño. Ito ay matapos mapuno ng sigawan, palakpakan at walang humpay na suporta ng kanyang mga tagahanga.
The show must go on kahit may ubo at sipon si Mygz . Pinilit niyang kumanta dahil ayaw niyang biguin ang kanyang mga tagahanga.
Mistulang reunion ng kanyang mga loyal supporters at miyembro ng “KaBunso” community ang gabi ng konsiyerto, Ipinadama nila ang kanilang walang sawang pagmamahal kay Mgyz.
Bukod sa mga nakakakilig at makapigil-hiningang production numbers, isa pang mahalagang kaganapan ay ang paglagda niya bilang bagong ambassador ng Erase Beauty Care.
Mas lalo pang naging espesyal ang gabi sa pagdalo ng kanyang celebrity guests na sina Darius Razon, Ynez Veneracion, Selina Sevilla, Sarah Javier, Keanna Reeves, Charina Carmen, Shierrah Sumacot, Erika Mae Salas, Hannah Mari Castillo, Kittrix, Blue Dreamers PH, Nandoon din si Jeric Gonzales para mag-promote ng kanilang pelikulang ‘Coming Home’.
.
Hindi lang aliw ang hatid ng concert dahil bahagi ng kinita nito ay inilaan para sa Yakap Foundation, na siyang napiling beneficiary ng proyekto.
Sa direksyon ni Eric Borromeo at suporta ng Erase Beauty Care, JC Film Production, Triple A+ Production at Mamay Productions, naging makabuluhan at matagumpay ang kauna-unahang major concert ni Mygz.
At mukhang hindi pa rito nagtatapos ang sunod-sunod na biyaya para sa aktor, singer at influencer. After ng “Yakap ni Bunso,” nakatakda ring ipalabas ang kanyang mga pelikulang “Coming Home” at “Kappa-tiran,” habang dalawa pang movie projects ang nakalinya sa kanyang iskedyul.
Dagdag pa rito, inaasahang ilalabas bago matapos ang taon ang kanyang bagong album na magtatampok ng mga original songs.
Sakalam talaga si Mygz.
Talbog!
The post Kahit may sakit: Mygz Molino umariba sa concert first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments