Digong binuksan P900M seaport project sa Bohol

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sunod-sunod na pagbubukas ng pitong seaport development project sa Tagbilaran City sa Bohol kahapon ng hapon.

Ang Tagbilaran ang tinuturing na `pintuan’ ng Bohol sa pagpasok ng mga kalakal mula sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Sa kanyang talumpati, pinapurihan ng Pangulo ang Department of Transportation at Philippine Ports Authority sa rehabilitasyon at mas pinagandang mga pantalan matapos masalanta ng mapaminsalang lindol noong 2013.

Bahagi ito ng Build, Build, Build program ng administrasyon na nagkakahalaga ng P900 milyon sa kabuuan.

Kabilang sa mga pinasinayaan ni Pangulong Duterte ang mga pantalan sa Tagbilaran, Jagna, Ubay, Tapal, Talibon, Loon at Maribojoc.(Aileen Taliping/Prince Golez)

The post Digong binuksan P900M seaport project sa Bohol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments