Gabby hinarot si Janice

Nagpa-good vibes si Gabby Concepcion sa pamamagitan ng pagbabahagi niya ng kanyang groovy dancing moves sa kanyang Instagram account.

Marami naman ang naaliw dahil hinarot pa nito ang ex na si Janice de Belen.

May caption itong: “Good memories lasts a lifetime! Love it! Agree! @super_janice#

goodvibes#goodmemories.”

Ni-like naman ito ni Janice at binigyan ng tatlong clapping hands sign.

Maging ang anak nitong si KC ay napa-react din sa post ng kanyang dad.

Aprub din ang lakas-tama sa kanyang pagpapaka-bagets kina Sanya Lopez, Marco Alcaraz, Gladys Reyes at iba pang celebrities.

Hirit tuloy nang kibitzers, kailan daw kaya haharutin ni Gabo ang Megastar ?

Matatandaang naging kontrobersyal din ang post niya nang i-tag nito si Dawn Zulueta na aniya’y favorite leading lady niya na tinawag niyang

“elegant” at ‘”classy”.

Baron pumiyok sa pautang

Sa kanyang Facebook account, nag-emote si Baron Geisler sa umano’y hindi pagbabayad sa kanya ng kanyang pinautang.

Aniya, kapag daw naniningil siya, siya pa itong lumalabas na masama kahit nagawan na niya ng pabor.

“Malapit na pasko… sino pa sainyo ang di pa nakakatangap ng pinautangan ninyo? Nakakatawa pa dito tayo pa masama pag siningil natin. May nakaka relate po ba? 🤣

#amnesia #justify”,sey ni Baron.

“Yung iba jina justify pa sa mga ginawa for us,” dugtong pa niya.

Hirit pa niya, minsan daw siya pa itong nahihiyang maningil.

“Bakit ganon tayo pa nahihiya maningil. Buo ang pag pautang tapos gusto e monthly ang bayad. 😢,”hanash niya.

Sey naman ng mga netizen, nakaka-relate sila sa karanasan ng actor.

Naiiintindihan din daw ng mga ito ang pangangailangan ng aktor lalo pa’t may binubuhay na itong pamilya.

Hindi naman pinangalanan ni Baron kung sino ang mga nangutang na balasubas na magbayad sa kanya.

Mariel todo tanggol sa panliliit kay Robin

Nababatikos si Robin Padilla sa kanyang pagkandidato bilang senador sa 2022 national election.

May mga kumukuwestiyon kasi sa motibo ng aktor sa pagpasok sa pulitika.

May nagmemenos din ng kakayahan ng dating action star na gumawa ng batas.

Pagtatanggol naman ng misis niyang si Mariel, hindi pumasok si Robin para sa pera at kapangyarihan.

Bagkus, gusto nitong makapaglingkod at maging boses ng mga Muslim.

Dahil sa pagtatanggol sa kanya ng asawa, nagbigay naman ng appreciation post si Robin sa IG bilang ganti kay Mariel.

Aniya, with Mariel around, feeling daw niya ay ‘untouchable’ o protektado siya sa lahat ng pagkakataon.

Kahit daw madalas silang mag-clash, mananatiling siya lang daw ang nasa puso nito.

“Ang pag ibig ng aking asawa may sarili siyang isip, lalong may sariling desisyon madalas pinagsasalpukan namin ngunit kailanman sa akin lang kanyang puso,” ani Robin.

Kahit daw awayin o pulaan siya ni Mariel, never daw naman nitong hahayaang gawin iyon sa kanya ng ibang tao.

“She will fight me and criticize me but she will never let anybody do it to me. Family, friend or no friend, I’m untouchable to them she will always make me feel the queen is playing her chess well in protecting her king. Maraming salamat sa [heart emoji] @marieltpadilla,” sambit niya.

Sa comment section ng post ng aktor, nag-reply naman si Mariel na: “100% for you!!! Kilala kita. I know your heart. I’m so proud of you.”

The post Gabby hinarot si Janice first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments