Pagkatapos ng kanilang journey sa Your Face Sounds Familiar (YFSF) Season 4, humarap sa media ang mga Star Magic artists na sina Akira Morishita at Jarlo Base sa ginanap na Star Magic Spotlight Press Conference.
Binalikan ng dalawang versatile performers ang kanilang journey, mula sa mga nakakakaba na first performances hanggang sa hindi malilimutang backstage moments. Ibinahagi rin nila kung paano hinubog ng kompetisyon ang pagiging individual artists at kung paano nabuo ang kanilang lifelong friendships.
Para kay Akira Morishita, na kilala bilang “Ace Idol” ng season, naging masterclass ang show para matutong maging present sa bawat sandali. Bukod sa mga prosthetics at vocals, binigyang-diin ni Morishita na ang tunay na pag-enjoy sa performance ang susi sa isang pangmatagalang production.
“Andun pa ‘rin talaga yung dapat i-feel mo, dapat mag-enjoy ka,” kwento ni Akira. “Dapat ‘yun yung ginagawa namin every performance, sa Your Face and outside Your Face,”lahad niya.
Bukod sa mga trophy at high scores, parehong naniniwala ang dalawa na ang pinaka-best part ng kanilang experience ang kanilang nabuong samahan. Ikinuwento ni Jarlo Base, ang “Breakout Crooner” ng season, na ang birthday celebration ng fellow contestant na si Alexa Ilacad ang isa sa kanyang mga favorite memories.
“Dun ko unang nafeel na hindi ko lang pala work friends lang pala ‘to, friends ko talaga, family. Patapos na yung season eh, dun ko na-feel na ‘ah mamimiss ko talaga silang lahat’,” dagdag ni Jarlo.
Naka-set na ang dalawang Star Magic artists na i-expand ang kanilang creative horizons. Samantala sasabak muli si Akira kasama ang kanyang co-BGYO members sa kanilang upcoming projects habang patuloy naman si Jarlo sa pag-hone ng kanyang singer-songwriter skills para sa mga upcoming solo releases niya. Kahit may kani-kaniyang karera, open ang dalawa na magkatrabaho muli after YFSF.
Bitbit nina Akira at Jarlo ang kanilang versatility at resilience na natutunan sa sa YFSF stage. Ang kanilang growth mula sa “Iconator” hanggang sa mga performances ngayon ang nagsisilbing patunay na isa sila sa mga pinaka-promising Star Magic artists. (Roldan Castro)
The post Palaban: BGYO Akira Morishita, Jarlo Base gigil patunayan ang artistry first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments