Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na sasampahan nila ng disqualification case ang sinumang kandidato sa May 2022 elections na mapatutunayang sumusuporta sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamamagitan ng pagbabayad ng ‘permit to campaign’ fee.
Pinaalalahanan ni DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng kandidato hinggil sa Memorandum Circular 2019-26 na tinagurian ito bilang isang malinaw na uri ng panghuhuthot at batik sa kasagraduhan ng karapatang bumoto ng mga mamamayan.
“Huwag po tayong magpaloko at matakot. Ang ibabayad ninyong extortion money sa mga komunista ay gagamitin din nila para makapaghasik ng terorismo sa bansa,” giit ni Año.
Samantala, sinabi ni DILG Spokesperson Jonathan Malaya na desidido ang ahensiya sa paghahain ng kasong diskuwalipikasyon laban sa mga kandidato na mapatutunayang sumusuporta at nakikipagtulungan sa CPP-NPA. (Dolly Cabreza)
The post Kandidatong suportado NPA lagot sa DILG first appeared on Abante Tonite.
0 Comments