Kim ilusyong maging beauty queen

Parang hindi ikinaganda ni Kim Chiu ang mga pahayag niyang nagpapaka-feelingera na ang pinakabagong Ms. Universe Thailand, si Ann “Anchilee” Scott-Kemmis ay kawangis niya.

Kung nangangarap si Kimberly Sue to do another Kirsten Danielle Delavin beauty queen stunt, tiyak ang kapalaran nila sa timpalak kagandahan ay pareho, “thank you girl.”

Oo, kinarir ni Kisses ang timpalak pero sadyang hinog sa pilit ang dalaga .Sa totoo lang, hindi naman “universal” ang ganda nito maski itanong niyo pa kay Maureen Wroblewitz na First Runner Up, huh!

Kaya Kim, oo tuwang-tuwa ang mga panatiko sa ‘yo. Suportado nila ang nakakatuwang papansin na “nanalo ka” at magka-face looks familiar kayo ni Ms. Thailand .Pero, tama na, sobra na, tigilan na ang pagka-GSIS. Gising sa ilusyon, sis.

Yun lang!

The post Kim ilusyong maging beauty queen first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments