Rapist ng 4 bebot himas-rehas

Isang lalaking kabilang sa mga Most Wanted Person (MWP), na may apat na war­rant of arrest sa pang-aabuso sa kababaihan, ang nadakip ng tracker team ng Meycauayan Police sa Brgy. Pandayan, Meycauayan City, Bulacan nitong Lunes.

Base sa report kay P/Col. Manuel M. Lukban Jr., Provincial Director ng Bulacan Philippine National Police, nakilala ang naarestong si Benjamin Antonio Jr. alyas Jun-Jun, at nakatira sa Brgy. Pandayan, Meycauayan City. Nakakulong na ngayon ang lalaki.

Nabatid na sinalakay kamakalawa ng tracker team ng pulisya ang hideout ng sus­pek na hindi na nakapalag matapos hainan ng warrant of arrest sa kasong Statutory Rape, Sexual Assault (2 counts) at Act of Lasciviousness sa magkakaibang babaeng biktima sa Meycauayan City.

Sa ngayon, nakadetine na si Antonio na kabilang sa MWP sa Meycauayan City.

Samantala, nakorner din ng awtoridad ang isa pang wanted sa probinsya na si Yolanda Palma ng Brgy. San Manuel, San Jose del Monte City dahil naman sa kasong Swindling (Estafa). (Jun Borlongan)

The post Rapist ng 4 bebot himas-rehas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments