Papalo ang National Grassroots Volleyball League National Finals, magbibigay sa mga babaeng manlalaro na may 16 taong gulang at pababa nag isa pang plataporma upang ipakita ang kanilang mga kakayahan, sa Mayo 3-7 sa The Arena sa San Juan.
Nasa 12 koponan na kakatawan sa Luzon, Visayas, at Mindanao, at ilan sa mga internasyonal na komunidad na may mga manlalaro na may lahing Pilipino, ang mapapakita sa aksiyon na tatapos sa unang taon NGVL.
Ipinahayag ni NGVL president Yvette Katigbak-Ambrocio, na ang layunin ng batang liga na bigyan ang mga batang manlalaro ng pagkakataong makaharap ang mataas na kalidad na kompetisyon dahil “sila ang mga susunod na superstar.”
“‘Yan ang pangarap namin sa NGVL, na mapuntahan ang buong Pilipinas at lahat ng gusto mag-volleyball,” hirit ni Katigbak-Ambrocio sa Philippine Sportswriters Association Forum nitong Martes sa media room ng Philippine Sports Commission.
Bilang karagdagan sa mga koponan mula sa NCR, magkakaroon din ng mga kalahok mula sa Zamboanga, Cagayan De Oro, Davao, Bacolod, Bicol, Laguna, Baguio, Pangasinan at maging mula sa New Zealand sa pamamagitan ng Filspikerz Volleyball Club.
Kasama rin sa lingguhang Forum na mga handog ng San Miguel Corporation, PSC, Philippine Olympic Committee, Milo, at 4/7 sports app ArenaPlus, sina NGVL operations head Froi Ambrocio, Santo Tomas coach Kungfu Reyes, at mga manlalarong sina Apple Saquilayan ng Immaculate Concepcion Academy, Zeianne Laborte ng De La Salle Zobel, at Ghen Carreon ng club mula sa New Zealand.
“Unang season namin ito at masaya kami na ginagawa ito para sa mga batang manlalaro. Ito ay isang bagay na labis naming pinahahalagahan,” dagdag ni Katigbak-Ambrocio, hinirit na ang NGVL ang maggigiit ng pagkakataon na matuklasan ang mga manlalaro para sa pambansang koponan.
Habang may iba pang liga na naglilingkod sa mga manlalaro na 16-pababa, determinado ang NVGL na tuparin ang layunin.
“May puwang para sa lahat. Mas maraming liga para sa mga bata, mas maganda para sa volleyball,” sey pa ni Katigbak-Ambrocio.
“Malaking oportunidad ito para sa mga bata lalo na mula sa mga pampublikong paaralan na nagnanais maglaro at pati na rin sa mga club. Magandang plataporma. Maraming matutulungan,” sey pa ni Reyes. (Abante Tonite Sports)
The post NGVL National Finals sa May 3-7 malala magiging mga hambalusan first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments