Bakunadong turista galing PH puwede sa Israel

Maaari nang maka­pasok sa Israel ang mga Pilipino at iba pang dayuhang turista kung kumpleto na ang kanilang bakuna kontra COVID-19 at naturukan ng second dose nito sa nakaraang anim na buwan.

“On the 1st of No­vember this week, we opened for vaccinated tourists so anybody who is vaccinated can visit Israel. Filipinos are now welcome to visit Israel,” ani Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa panayam ng Philip­pine News Agency.

Ayon kay Fluss, pu­wedeng mamasyal sa Is­rael ang mga turista ka­hit mag-isa lang o grupo sila subalit pinayuhan ang mga ito na alamin muna ang mga panun­tunan at kinakailangang gawin bago mag-book ng kanilang flight at tour package.

Kailangan din aniya ng negatibong RT-PCR test result, isa pang swab test pagdating sa Paliparan at man­datory quarantine ha­bang hinihintay ang resulta ng swab test ng turista.

The post Bakunadong turista galing PH puwede sa Israel first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments