Barbie trending sa blind item ni Xian

NI: MILDRED BACUD

Biglang naging trending si Barbie Imperial sa Twitter.

Ito’y dahil sa blind item ng kontrobersyal na businessman, social media influencer at vlogger na si Xian Gaza. Kahit basa na ang imahe nito sa showbiz dahil sa ilang artistang nagreklamo sa kaniya, marami pa rin ang pumapatol sa mga sinasabi niya.

Ang latest nga na blind item ay ang tungkol sa paghihiwalay ng sikat na couple vloggers na ang dahilan umano ay isang Star Magic artist.

Hindi man natukoy ang name ay nadawit ang name ni Barbie dahil sa panibagong post ni Xian na, “Good night po sa lahat except kay Barbie Imperial.”

Marami namang mga fan ni Barbie ang nagtanggol sa kaniya at sinabing mukha namang hindi magagawa ito ng aktres. Kita naman sa mga post nila sa social media kung gaano niya kamahal si Diego Loyzaga. Grabe rin ang kilig at saya nila ni Diego.

Sa amin namang pagri-research, 2020 ay may vlog si Barbie. Natanong ng kasama kung totropahin o jojowain niya ba si Xian Gaza.

Dito sinabi ni Barbie na hindi niya ito kilala pero nag-DM sa kaniya at nago-offer ng trabaho sa company niya. 12 months contract daw at nagkakahalaga ng 6million. Hindi na lamang daw ito pinansin ni Barbie.

Kaya sa bagong isyu na ito kay Barbie ay pwede raw isipin na paninira lamang sa kaniya.

The post Barbie trending sa blind item ni Xian first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments