Nanay binubugbog ang anak ‘pag lasing

Kulong ang isang nanay sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa matapos bugbugin ang kanyang 5-anyos na anak sa tuwing siya ay nalalasing.

Ayon sa Laoag City Police Station (LCPS), dahil sa ginagawang imbestigasyon, ang suspek ay itinago sa pa­ngalang ‘Nena’, nasa wastong gulang at residente ng Barangay 1.

Sa paunang ulat ng LCPS, ayon kay barangay tanod chief Allan Ancheta, nakatanggap sila ng report na binubugbog ni Nena ang kanyang stepson na itinago sa pangalang ‘Empoy’ kaya kinuha nila ang bata at pansamantalang inalagaan sa barangay. Ang bata ay anak ng live-in partner ni Nena.

Bago ang insidente, sinabi ni Ancheta na may tumawag sa telepono na kapitbahay ni Nena at sinabing binubugbog ng nanay ang anak tuwing nalalasing ito.

Dahil sa sumbong, agad nagtungo ang barangay official kasama ang pulisya na naaktuhang sinasaktan ni Nena ang bata. (Allan Bergonia)

The post Nanay binubugbog ang anak ‘pag lasing first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments