Puerto Galera niluwagan sa bakunadong turista

Libre nang makapamasyal sa Puerto Galera ang mga turistang fully-vaccinated laban sa COVID-19 at hindi na hihingian pa ng negatibong swab test result.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Carmela Datinguinoo, municipal administrator ng Puerto Galera, sa harap ng unti-unting pagbubukas ng turismo sa kanilang lugar.

Tiniyak ni Datinguinoo na libre ang antigen test dahil may pondong inilaan dito ang kanilang lokal na pamahalaan.

“Kapag fully-vaccinated na ang aming mga turista, hindi na po kailangan ng RT-PCR test. Bagkus, iyong mga first dose lang o iyong mga wala pang vaccine ay maaaring mabigyan ng free antigen test sa Batangas Grand Terminal.” (Aileen Taliping)

The post Puerto Galera niluwagan sa bakunadong turista first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments